Chapter 2

7 2 0
                                    

UNICE

"Beb" Agad ko tawag dito nang makalapit na ako sa mesa. Hinalikan niya ako sa pisnge at pinaghila niya ako ng upuan.

"Thank you beb."

Andito kami ngayon sa favorite namin restaurant. Mula nang dumating siya ngayon lang ulit kami nakalabas na kami lang dalawa.

Naging busy na rin ako sa trabaho ko at siya rin agad na nagtungo sa Cebu para umattend ng conference.

Hindi naman ako nagrereklamo na bihira na rin kami nagkita. Nasanay na rin ako noon andoon siya sa Japan. Pero kahit magkalayo kami. Hindi nawawala communication namin sa isa't isa.

Hinawakan niya kamay ko.
"Beb pakasal na tayo ngayon." Nakatingin siya sa akin na seryoso ang mukha.

Tumingin rin ako sakanya. Sinusuri ko kung seryoso siya sa sinasabi niya.

"I'm serious beb. Let get married now. Tinawagan kona friend ko na Judge. After nating dito. Deresto na tayo doon."

Bat ang bilis ata.

Hinila ko kamay ko mula sa pagkakahawak niya at umayos ako nang upo.

"Beb bakit kaba nagmamadali? Marami naman tayong oras. Bakit biglaan ata."

"So ayaw mo?" Medyo tumaas boses nito. Na ngayon lang niya ako pinagtaasan ng boses.

Tahimik na tumingin lang ako sakanya.

Kinuha ulit niya kamay ko at hinalikan ito.

"I'm sorry beb. Ok sorry kung nabigla kita. Gusto lang kita makasama beb."

Isang buntong hininga pinakawalan ko bago sumagot. Hinila ko ulit kamay ko mula dito.

"Tell me Jayson may problema ba?" Alam niya na kapag binanggit ko pangalan niya either seryoso ako o galit.

"Wala beb. Naisip ko lang baka mawala kana sa akin. Dahil lagi na ako busy at walang oras sayo. Mahal na mahal kita beb." Paliwanag nito.

"May nabuntis kaba o tinatakbuhan kaya gusto muna pakasal ako sayo?"

Bigla ito namulta sa tanong ko.
"O-of course not. Wala ako nabuntis o tinatakbuhan."

"Siguraduhin mo lang Jayson dahil alam muna mangyayari." Seryosong sabi ko.

"W-wala beb. Hindi ko yon magagawa sayo." Nauutal na sagot nito at nagpahid ng pawis sa mukha.

Tahimik lang ako nakamasid sakanya. Ngayon ko lang siya nakita na parang aligaga at hindi makatingin sa akin nang deresto.

"Kung wala! bakit di ka makatingin sa aking ng deresto?" Hamon ko dito. Naiinis na rin ako. Ngayon lang siya nagkaganito.

May lungkot sa kanyang mata na tumingin siya sa akin. Bumubuka bibig nito na parang may gusto siya sabihin sa akin pero di niya magawa masabi.

Baka gusto lang talaga niya magpakasal na kayo kaya yan aligaga.
Aniya ng isip ko.

"Gusto mo talaga magpakasal na tayo?" Mahinahon na tanong ko.

Bigla lumiwanag mukha nito.

Sabi na nga ba.

"Oh bakit di kana naman sumasagot? Akala ko ba gusto mo magpakasal na tayo."

Tumayo ito at nilapitan ako para yakapin.

"I'll make it sure hindi mo pagsisisihan pagpapakasal sa akin." Bulong nito.

"W-wait beb." Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin.

Kunot noo tiningnan niya ako.

"Yes. Payag na ako magpakasal tayo pero not this day." Paliwanag ko sakanya ng bumalik na siya sa upuan nito.

"But why? Ayaw mo ba ako makasama na?" May himig na pagtatampo.

"Beb alam mo kung ano gusto ko diba?"

"Okey I get it. Ang sabihin mo ayaw mo lang ako pakasalan." Tumaas na naman boses nito.

"Beb hindi sa..."

Itinaas niya kamay nito sign na ayaw niya makinig sa ano man sasabihin ko.

Magsasalita sana ako nang dumating ang waiter.

Wala kaming imikan hanggang sa umalis na yon waiter na naghatid sa order namin.

Ayan kasi bakit ayaw pa magpakasal

Tahimik at wala paring kami imikan habang kumain.

"Finish your foods para maihatid na kita."
Malamig na boses nito. Hindi man lang ako tiningnan habang nagsasalita at patuloy sa pagkain.

Ok fine!

Isang malalim na hininga muna pinakawalan ko bago magsalita.

"Payag na ako magpakasala sayo but not now maybe.."
Hindi ko muna tinuloy sasabihin ko. Tiningnan ko mukha niya ano magiging reaksyon nito.

Hindi naman ako nabigo. Napatigil pa ito sa pagsubo ng pagkain.

"Maybe?What?"
Medyo nagliwanag na mukha nito. Hindi katulad kanina na parang galit.

"Maybe nextweek?" Patanong na sagot ko.

Dahan-dahan niya binitiwan kutsara at tinidor. Saka inabot ang basong may tubig. Uminom ito na waring nag-iisip.

Pagkainom niya ng tubig. Ngumiti siyang tumingin sa akin.
"Okey. Then next week. Love you beb."
masigla nitong sabi.

sure kana ba?

tipid na ngiti sagot ko nalang dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

With All My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon