Hello! Pangalawang short story ko po ito. Sana magustuhan nyo!
♣ILoveEXOMsXiumin♣
~~~~~
One year nang nakalipas mula nang maghiwalay tayo. Naalala ko pa non, nakipaghiwalay ka sakin dahil sinabi mong mas mahal mo bestfriend ko. Ako naman, para di ka na mahirapan, tinanggap ko. Sad to say, inlove sya sa iba, pero inlove ka sa kanya samantalang ako inlove pa rin sayo. Cliché right? Haha.
Sa twing mag bubukas ako ng facebook ko, laging bumubungad sakin yung mga post mo tungkol sa kanya. Ako naman si tanga, kahit alam kong nandun lahat ng post mo tungkol sa kanya at mga picture nya, binibisita ko pa din wall mo.
Lagi kong hinihiling na mag message ka man lang sakin kahit tuldok lang i-pm mo ok na ako at swerte nga naman, nag message ka, tuloy tuloy na tayong nag uusap kagaya noong dati na tayo pa. Araw araw ka chat kita, pag nagloko yung wi-fi o internet namin, katext kita minsan pa nga katawagan kita. At ang malupit pa doon, nagkaroon tayo ng callsign 'Bebs' pa nga pinili mo. Sobra akong natuwa ng mga oras na yun akala ko babalik ulit tayo sa dati pero tama nga ako. AKALA ko lang talaga.
Nag-pm ka sabi mo itext kita ayun ginawa ko nga pero nung tinext na kita, WALA akong natanggap na reply. Di ako tumigil, tinext pa din kita hanggang sa magreply ka sabi mo wag muna ngayon dahil busy ka. Nagsorry ako sayo nun dahil sa pang iistorbo ko pagkatapos nun wala nang kasunod na text galing sayo.
One time nag GM ako pero ang totoo sayo ko lang sinend yung message na yun. Yung footnote ko sa GM ko 'Asa=NgaNga' tas di ka nagreply kahit may load ka naman.
Saktong nag cocomputer din ako nun. As usual, tambay na naman ako sa wall mo, nakita ko yung post mo 5 minutes matapos kong mag GM nalaman kong kinuha mo sa footnote ng message ko yung post mo. Tuwang-tuwa ako nun. Tas bigla kang nag text sabi mo itigil na natin yung pagchachat at callsign natin tinanong kita kung bakit tanging sagot mo lang 'nakakasawa na'. Pagkabasa ko ng text mo, mula sa pagkasaya ko, umiyak na naman ako dahil sayo pero kahit ganoon, inintindi pa din kita. Sabihin na nating saksakan ako ng pagkatanga, mahal kita e.
Tuluyan na nga tayong nawalan ng connection. Ilang taon nang nakalipas, hanggang ngayon, pangalan mo padin sa contacts ko 'Bebs' , hanggang ngayon, umaasa pa din ako at hanggang ngayon, nasasaktan pa din ako dahil sayo. Lakas ng tama ko sayo. Langya talaga, pinaasa na naman ako ng matatamis mong messages.
Ang bilis mo naman makalimot, ang bilis mong magbago. Bilib ako sayo, sana katulad mo ako, alam mo kung bakit? Simple lang, para mabilis ko ding malimutan lahat ng nangyari. Ngayon alam mo na, na ang isang tulad ko na kahit napaasa,nasaktan at napaiyak mo ay minamahal ka pa din. Tama nga sila, first love NEVER dies. Kaya EX! Kung makahanap ka man ng iba dyan at sinaktan ka, tandaan mo nandito pa ako, kahit kaibigan na lang turing mo sakin, ayos na yun. Susubukan ko na din na kalimutan ka. Sana maging masaya ka na.
Nagmamahal,
Ang dati mong minamahal
END
♥>>A/N: Naks! Complete yan ah! Pasensya na kung di nyo masyadong nagustuhan story ko. I really tried my best para magandahan kayo sa story. hope ya'll liked it!
Ops teka lang! Kung nagustuhan nyo, please vote. Di naman kawalan yun diba? Gomawo! Love ya guyth~!
♣ILoveEXOMsXiumin♣
BINABASA MO ANG
A Note For My Ex (One Shot)
Short StoryMahal mo sya Mahal ka din ba? Ako nalang kasi ulit. Mamahalin naman kita e. Ay mali, let me rephrase it Mahal naman kita e, at pag minahal mo ako, mamahalin pa kita ng todo.