We went to college together.
Took the same course.
Lived in the same neighborhood.
Nasanay na 'ko na magising sa bulyaw ng mga roommates ko dahil maaga pa lang, nasa pinto na siya ng boarding house para dalhan ako ng breakfast.
Kapag umuulan at wala akong dalang payong, to the rescue siyang gamitin ang bag niyang panangga sa ulan para lang hindi ako mabasa.
Kapag nagkakasakit ako, siya ang nag-aalaga sa 'kin.
Lagi ngang sinasabi ng mga kaibigan ko na ang swerte ko daw sa kaniya kasi kahit madalas ko siyang sungitan, he almost never gets angry with me.
Araw-araw, binibigyan niya 'ko ng messages na nakasulat sa loob ng iba't-ibang hugis ng origami na ginagawa niya.
Take care, Babe.
Love you.
Missed you.
Huwag pagutom.
Matulog nang maaga.
Everyday.
Walang palya.
Either naka-attach sa coffee na dinala niya for me.
Sa supot ng baon niyang breakfast.
Nakaipit sa bag ko na siya ang nagprisintang magbuhat habang naglalakad kami.
Minsan pa nga, ito ang bubungad sa 'kin sa dashboard ng kotse niya tuwing ihahatid niya 'ko.
And everyday, pahirap nang pahirap buklatin ang papel kasi mas complex na 'yong mga folding techniques na ginagamit niya.
Kailangan ingatan ko, kung hindi, mapupunit na 'yon bago ko pa man mabasa ang message niya.
"Ano ba naman 'yan," reklamo ko minsan, sinisipat kung paano tatanggalin ang mga tupi ng origami. "Parang ayaw mong ipabasa, ah. Ang hirap buklatin. "
Natawa lang siya. "Kahit mahirap, 'pag gusto, may paraan."
"I-text mo na lang kasi sa 'kin," biro ko.
"Wala namang effort 'yon. Kailangan, special. Kasi special ka sa 'kin."
Sa paglipas ng apat na taon, hindi siya nagbago.
He remained the perfect boyfriend.
We were the perfect college sweethearts.
We were inseparable.
And there was no doubt in everyone's mind that we would end up together.
Everyone, except mine.
BINABASA MO ANG
Paper Hearts
Short StoryLife Cycle ng mga Puso. Hearts fall in love. Hearts fall. Hearts ache. Hearts hope.