Chapter One

17 1 0
                                    

 All rights reserved. This book or any portion thereof
may not be reproduced or used in any manner whatsoever
without the express written permission of the publisher
except for the use of brief quotations in a book review.  

**

Isang malamig na hampas ng hangin ang dumapi sa aking mukha ng akoy dumungaw sa binata ng aking bahay. Linggo ng umaga kaya naiisipan kong gumising maagap para magjogging sa around the village. Tumingin ako sa orasan na nakapatong sa ibabaw ng maliit na lamesa sa sa loob ng aking kwarto.

Alas singko y media na pala. Saktong sakto lang para sa pagjojogging ko. Agad kong niligpit ang ginamit ko sa pagtulog at naghanada na para maligo. Isang sandong puti at maikling shorts lang sng ginamit ko. Tinali ko lang din pataas ang aking buhok para hindi sagabal sa pagtakbo ko.

Sinuot ko din ang pink rubber shoes ko at lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko si daddy na nasa sala na nagkakape. Nagtaka ako kasi linggo naman ngayon kaya wala syang trabaho. Dalawa nalang kami sa buhay dahil maagang namatay si mommy. Limang taon palang ako nong mga panahon na yun ng mamatay si mommy. Kaya masakit para sakin na lumaking walang ina.

Hindi ako ganun ka close kay daddy dahil hindi naman siya ang nagalaga sakin. Ang mga tita ko sa probinsya ako lumaki. Ngayon nalang ako kinuha ni dad nang makapagpundar sya ng sarili niyang bahay dito sa Makati. Pero kahit ganon, maayos pa rin naman ang turing ko sa kanya. Inalok niya akong magkape pero tinanggihan ko ito. Sabi ko ay mamaya nalang pagbalik ko

Lumabas na ako ng bahay at nagsimulang magjogging. hindi pa ako nakakalayo ng may nakisabay saking tumakbo. Isang lalaki. Maputi, medyo payat pero hindi naman mataba. Tama lang para sa isang katulad nyang teenager na sa tingin ko ay kaedad ko lang.

"Arayyyyyy!". sigaw ko. Bwesit o. Natapid ako kaya sumubsob ako sa daan. Mabuti nalang at hindi ako napuruhan.

"Miss, okay ka lang?". Tanong nang lalaki na agad naman akong inalayan. Ang gwapo nya talaga. Para syang isang anghel sa lupa.

"Miss, okay kalang? Yohoooo!". Tanong niya ulit. Kumaway kaway din sya na parang pinapabalik nya ang aking ulirat. Napansin nya ata ang pagtitig niya sakin.

"Sa susunod, magiingat ka ha? Para hindi nagagalosan ang maganda mong balat at tumakbo na siya palayo.

Nakatulala pa rin ako sa kanya hanggang lumiko na sya sa kabilang kanto at nawala na sya sa paningin ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Sobrang lakas. Yung tipong halos lumabas na sya sa dibdib ko. Sana makita ko ulit sya. Sa isip ko.

Hindi na ako natuloy magjogging at pumunta nalang sa parke na malapit lang sa kinatatayuan ko. Iniisip ko pa rin ang lalaking nakasabay ko sa pagtakbo at tumulong sakin. Ano kayang pangalan niya? Ilang taon na kaya siya? May girlfriend na kaya siya?. Oh no! Bakit pati yun naiisip ko? Hays. Isa talaga akong hopeless romatic. Wala kasi akong boyfriend ever since. Pero madami namang nanligaw sakin sa probinsya pero wala talaga akong nagustuhan. Yung tibok ng puso ko kanina, hindi ko pa yun naramdaman sa tanang buhay ko.

Lumipas ang ilang oras ay bumalik na din ako sa bahay. Wala si daddy nong dating ko. Baka umalis. Pumunta ako sa kusina at tiningnan kong ano ang almusal. Bacon at fried egg ang nakalagay sa lamesa na may note.

"Aila, anak. Nagluto ako ng almusal para sayo. Kumain ka pagdating mo. May mga ulam na lutuin sa fridge, lutuin mo mamaya para sa lunch at dinner mo dahil andito ako sa office. Madami akong tatapusin ngayon. Baka gabihin ako. Love, daddy."

Kinuyumos ko ang papel at tinapon sa basurahan. Ito ang dahilan kung bakit di ako close kay dad. Lagi syang wala. Kahit linggo umaalis siya. Gabi pa sya kung dumating kaya wala siyang time para makipagbond sakin. Masyadong workcaholic. Kinain ko ang almusal ko at umakyat na sa kwarto ko. Hmm? Saan kaya pwedeng tumambay? Naiinip ako dito sa bahay, gusto ko laging may pasok para iwas bored. Atleast don, may mga nakakusap ako. Pero wala pa akong masyadong kaibigan dahil bago palang ako. Hindi din naman ako madaldal na tao.

Mamaya nalang ako aalis. Magmamall ako. Magpapahinga muna ako sandali para maakalis ako ng maagap. Iisipin ko muna ang lalaking  tumulong sakin kanina.

To be continued.....

AN: Please follow my social media account:

Twitter: itsmeeybe

Facebook: Allen Iverson Libranda

And for more info or suggestion you may email me at: itsmeeybewritergmail.com

THANK YOU!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hanggang KailanWhere stories live. Discover now