Awit ang iyong pangalan.
Pangalang bibliya ang pinanggalingan.
Ano nga ba ang aking nadarama?
Sa tuwing ika'y nakikita, naririnig ko'y walang hanggang musika.Awit, isang di hamak na manunugtog,
Ngunit ang puso ko'y ang instrumentong iyong tinutugtog.
Bawat pintig ay may sariling ibig sabihin.
Bawat tibok ay may iisang damdamin.Kahit tibok ng puso ko'y may sariling tinig.
Ikaw, at ikaw lamang, ang kahulugan ng salitang pag-ibig.
Sa aking mundong dating puno ng pighati,
Ika'y dumating at itong lahat ay iyong pinawi.
BINABASA MO ANG
'Sandaang Tula Para Sa Kanya
PoetrySa ganitong paraan, aking maipapakita ang aking nadarama sa isang simpleng binata ngunit puno ng kulay at ligaya.