11:11's P.O.V
"Ms. Pres! Huhuhu. Kinakabahan na ako wala pa yung partner ko!"
Kabang kaba na ako ngayon kahit hindi lang halata ng iba. Palinga-linga ako sa bawat pintuan na maaaring pasukan niya dito saanh pintuan ng auditorium dito sa backstage ay walang anino niya ang nagparamdam. Ang iba kong classmates ay nasa kani-kanilang groups at partners nila. Abala sa pagpa-practice habang ang iba ay nag re-retouch na.
Nasan ka na taehyung?!
'Ni wala akong nakuhang calls or nabasang letters and texts niya simula pa kagabi.
"Easy el. kung hindi man siya dumating I think its easy for you. You can adlib and do it by yourself"-Ms. Pres
Sambit niya habang pinagpapawisan at hindi mapakali rin. Nanliit ang mata ko ay nilapat ang kamay ko sa noo dahil nakakaramdam ako ng kakaibang pag kilos niya na tila mayroong nililihim sa akin.
"Anu ba yan Nay. Lalo mo pang pinapakaba si el sa english mong walang naintindihan e" narinig ko namang sumabat itong si Wonwoo na katabi ko ngayon. Nagulat nalang ako sa biglang pag-agaw ni Ms.Pres ng water bottle na hawak ko at ipinalo ito sa ulo ni emo boi.
Btw, Nay kasi ang tawag naming mag-classmates sa kanya. Ito namang si Nay-- este Ms. Pres naman palaban. Hindi pa masanay na may pinagmanahan galing sa pinuno ng magtotropang yun. Si coups oppa ata?
"Aray! Sayang kasi nag backout pa si ten hyung. hindi ka ata kayang buhatin kaya sumuko. talo mo pa daw bigat ni Mingyu e" Natatawang sabi ng emo na yun. Talaga lang ha
"Naku nay! pigilan mo ko baka sikmuraan ko to ng hindi na muling makasayaw ng maayos mamaya"
Nag peace sign siya habang natatawa parin. Pag ako talaga naging fit nakooooo. Hmmpp!
Ilang minuto ng pag alis doon sa pwesto nila ay nakasulyap ako ng anino na alam kong pamilyar sakin yon. Hindi elyen, kundi si ten.
"Ten! wait lang!" Maluha luha ako ng masiguro kong siya nga yun. Tumakbo ako papalabas ngunit agad bumungad sa akin ang napakaraming tao dahilan ng pagkawala niya sa aking mga mata.
10:10's P.O.V
Ayan nanaman siya. Tumitingin tingin kung nasaan ako. Kung pwede ko sanang lapitan yayakapin ko na agad siya
Ilang minuto lang ay nakita kong may lumapit sakanyang isang babae at lalaki na hindi ko gaanong maaninag ang mukha. Hindi ako maaring gumalaw o sumilip dahil baka mapansin niyang magalaw ang pintuan at tignan ang nasa likod nito.
"Anong ginagawa mo diyan el?"
"Hindi na siya darating"
Narinig kong pag-uusap nila. Ngumisi nalang ako at dahan-dahang sumandal sa pintuan
"Hindi! Totoo nakita ko siya. Kabisado ko ang mukha ni ten" Aniya ni el
"Now let's call in for Hirai Eleven and Kim Taehyung for the final presentation" Malakas na pagsabi ng mc.
Nakaramdam ako ng unti-unting pag alis ng mga tao mula sa likod ko. Pero ang mas kinagulat ko nalang ay bigla nalang isinara ang pintuan dahilan ng pagkalaglag ko sa sahig.
11:11's P.O.V
Nakarinig ako ng mahinang ungol at kalabog mula sa labas pagkatapos na isara ito ni wonwoo. Ano yun?
"Wag mo nang intindihin yun el. Its your time to shine" pagcheer sakin ni Ms. Pres. Ngumiti ako at dahan-dahang sumampa sa stage. Well, mukhang solo flight lang ako. Hindi nalang ako titingin sa audiences para maiwasan ang kahihiyan. Baka matandaan pa nila ang mukha ko.
Hinawakan ko ang long red sleeveless dress ko mula sa ilalim para maiwasan ang pagkatapilok. Hinihintay ko nalang ang tugtog na magsisilbing gabay upang simulan ko ang performance.
Halata sa iba ang maraming pagtatakang bumabalot sa kanilang mukha. Kay tagal kong naghintay at nakatayo sa stage pero wala pa ring tugtog dahil sa pagkakagulo ng mga tao sa backstage. Bumalik ako sa reyalidad nang magsalita si Jihyo, ang mc sa program na ito.
"Attention, ladies and gentlemen. Sorry for waiting so long but Kim Taehyung can't attend for today's program. But lets call in Kwon Ten for his replacement" Sambit ni mc na si Jihyo.
Nagising bigla ang diwa kong kabado kanina. Akala ko aasa at patuloy na paaasahin lang ako pero nandito na pala yung pag-asa ko.
Nang makasampa siya sa stage ay hindi na maalis ang tingin ko sakanya. Tila wala nang kahit sini ang makakapaghiwalay pa sa amin.
Unti-unti na siyang lumapit sa akin habang nagsisimula na ang tugtog. Hinawakan naman niya ang aking kamay para simulan ang aming interpretative dance.
Inunahan ko ng galaw at nagsimula na kamin sumayaw. Grabe ang bond namin tuwing sumasayaw. Yung tipong alam na namin agad ang susunod na galaw ng isa't-isa. Naging komportable ako at pihado namang ganon din ang nararamdaman niya. Mga stunts, mga bawat pagbuhat sa akin ay damang dama ko ang mga haplos niya. Sa mga titigan at ngiti na binibigay niya sa akin ay napaka perpekto sa akin. Hindi namin halos napansin na mayroong mga panauhing nanonood.
Nakarinig kami ng malakas na palakpakan nang matapos ang aming presentasyon. Labis na pawis at bilis ng tibok ng puso dahil sa kapaguran ang nararanasan namin. Sa totoo lang ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakasayaw ko pa rin siya hanggang sa huli. Nag bow kami ng sabay at tuloy pa rin ang labis na pagkagalak at hiyawan ng audiences.
Tumingin ako sa gilid ng stage at doon ay nakasulyap sina Ms. Pres at Wonwoo. Binigyan ko sila ng matamis na ngiti at kumaway sa lahat ng tao.
Sabay kaming bumaba ng stage at nagsimulang magsalita ulit ang mc. Hindi ko na ito naulinigan sapagkat abala ako sa mga kaklase at kaibigang dinudumog kami.
Masasarap na yakap ang naabutan ko sa kanila.
"Congrats Bessy!" Masayang pagbati ni Sana sa akin na next namang mag pe-perform sa stage. Niyakap ko siya ng mahigpit bilang marka ng aking suporta sakanya.Nang hindi na naging busy ang lahat, nagpunta kami ni Ten sa dulo ng backstage ng tahimik at swabe. "Ten dumating ka!" Niyakap ko siya nang makatingin na siya akin ng diretso.
"Siyempre yun yung request mo e. Tsaka sayang naman yung mga practice ko diba" Nakangiting sabi niya. Hays ayan nanaman siya, unti unting nawawala ang mga mata kaya lalong nagiging cute kagaya ko.
"Bakit mo pa kailangan mag practice e alam ko namang kaya mo?" Nakapatong lang ang dalawang braso ko sa balikat niya habang ang kamay naman niya ay nasa bewang ko
"hindi naman kasi yun yung pinapraktis ko nakaraan pa"- Ten. Nagkamot ulo siya at tumingin ng malayo. Hinawakan ko ang kanyang kamay oara bumalik muli ang tingin niya sa akin. Agad ko siyang binigyan ko siya ng 'ano' look kasabay naman nito ang pagyuko ng kaunti.
"Pinapraktis ko kasi kung paano ba yung paraan sa sasabihin ko na dapat babagay sa reaksyon mo"
"hmm?"
Bakit ganon? gumagawa nanaman ba kami ng sariling mundo namin? feel ko kasi walang maingay na mc ang nagsasalita dun sa stage, walang taong busy rito sa ibang guests at performers, feel ko walang doseng tao ang nakabantay sa aming dalawa ngayon. Tanging siya at ako lang ang pinanghahawakan ko ngayon.
”I love you, el. Will you be my girlfriend?"
BINABASA MO ANG
Dear 10:10
Short Story❁мιѕѕє∂ ℓєттєя sєяιєs #2 ↭ ❝Dear 10:10. ang cute mo, pero mas cute ako. ❞ The lovers believed that dancing is the powerful way in showing true love. The dancers proved that their career is the path in finding a strong relationship in where the...