Sa edad na labing isang taon ay marami na inaasahan sa akin lalo na ako ang kaisa isang tao na magmamana ng kompanya at kayamanan ng aking pamilya.Isang anak ng isang napakamapangyarihan na Alpha sa buong bansa.Isang bata na tila dala lahat ng responsibilidad.Kaya sa edad ko ay di na nakapagtataka na isinasama na ako sa mga Buissness Party.Kung saan karamihan ay nagtipon-tipon ang mga buissness tycoon sa buong Pilipinas.
Aalis na sana ako para pumunta sa labas at magpahangin dahil tila abala naman si Dad sa pakikipag usap sa mga Buissness Partner niya na walang humpay sa pagmamayabang kung ano na ang naabot ng negosyo nila.Ng may pumunta sa pwesto namin na isa yata sa mg ka buissness partner ni Dad kasama ang kanyang anak at ang butler nito.At sa sandali na nag krus ang landas ng aming mata ay tila pumalibot sa amin ang mga lilac na mga bulaklak.Tila dinuduyan at itinutulak ako para lapitan siya.Tila nabalot ako sa kanyang amoy.Lumuhod ako at kinuha ang kanyang kamay at matamis ko itong hinalikan.
At yun ang kahuli huling alaala ko sa Omega na iyon.Alaala na hindi na dapat balikan at kailangan ng limutin at ibaon sa lupa.Ngunit mapaglaro ang tadhana dahil ng tumuntong ako ng kolehiyo ay siya ang naging karibal ko sa lahat ng bagay.At sa mga bagay na gusto kong ipanalo.Ipakita kung ano ang kakayahan ng isang Alpha na katulad ko.
______________________________
Enjoy ♡
BINABASA MO ANG
Let Me Mark You
FantasyYou don't know what fate has decided. WARNING:THIS YAOI,A ROMANCE BETWEEN TWO MAN AND A OMEGAVERSE