sabi nga nila 'You only live once' or YOLO for short :) ee kung ganon nga naman better enjoy every seconds of it, di natin kasi alam hanggang kailan natin makaksama yung tao na nasa paligid natin, kaya matuto tayo mag value, mahalin natin sila pero kung gaguhin nila tayo aba takte hayaan nalang natin sila mawala!
isa akong college student ng isang state univeristy, kilala ako sa department namin, siguro dahil sa pagiging maingay ko, at di lingid sa kaalamanan nila ang pagiging LESBIAN ko, sabi nga ng iba chix daw SANA ako pero wala e chix din gusto ko :'), being a lesbian , syempre di lahat ng respeto maeearn mo at minsan di pa matanggap ng pamilya mo yun.
isa akong happy go lucky na tao, palangiti at masiyahin din ayoko kasi na pinoproblema yung problema na, pero kung tatanungin ako about sa love?
oo, naranasan ko na ang 1st love ng pagiging tomboy ko at ilang beses ko na ring nasabing 'SECOND CHANCE PA PLEASE'
ako nga pala si Trix,
sa ayaw nyo man o sa gusto niyo, basta eto ang simula ng storya ko :">
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Isa ako sa mga estudyanteng graduate ng Catholic school at syempre private school din, sabi nga nila yamanin daw pero sila lang yun di ako kasali sa mga yamanin. sa Saint Augustine School (SAS kung tawagin) ako nag tapos ng elementarya ko at nagsimula ang storya ng lovelife ko ng pinagpilitan ako ng nanay ko pumasok sa isang science highschool, actually binabagsak ko yun exam ko nung time na yun pero ewan ko ba at nakapasa ako, sa 300+ na nag exam dun sa science school na yun 30 lang ang tinanggap at kasali nga ako sa natanggap dun. siyempre ayun sayang saya ang mama ko pero ako, uhmm masaya din naman kasi parang halata ko na proud sa akin ang mama ko at minsan lang yun :)
1st day of school, ang aga aga ko pa nun pumasok pangatlo ata ako nun saa mga kaklase ko, syempre may kaba pa, tahimik pa kasi di ko pa kilala sino mga magiging kaklase ko, may 2 babae akong nakita, nakapalda na blue at naka blouse na puti na nag uusap malapit sa akin, sa unifrom palang nila panigurado highschool din sila at malamang 1st year din sila.
Ang laking gulat ko ng nakita ko yun dati ko ding kaklase sa SAS
'Patriciaaaaaa! -sigaw ko habang nasa malayo palang siya, at ngiting ngiting naglalakad palapit sa akin
"Uy neng, buti nalang talaga andito ka, kinakabahan kaya ako kanina pa
'Pat wala pa din pinagbago a, late ka na naman !
"HAHAHA siyempre, uy pinapapila na ata tayo dun oh mga kaklase ata natin yun
'Edi tara na din! - aya ko kay Patricia papunta sa mga naka pilang high school
Nagmamtyag ako at sa isip isip ko , may mga korni din pala akong kaklase, may mukhang antipatika, rich kid, maarte at WEIRDO, yun parang may bayad yung bawat sasabihin nila :/ Lumipas yun ilang araw naboto ako bilang business manager sa klase nun at MUSE sa computer class namin, maitsura naman daw kasi talaga ako ee kaso boyish daw talaga lang ako kumilos. Sa isip isip ko nga, kung alam niyo lang pusong lalaki talaga ako, may mga natatypean na nga ako nung time na yun sa mga kaklase ko ee pero di nila halata na Lesbian ako kaya nakakapag DAMOVES ako HOHOHO.
Nagkagusto ako ng lihim sa isa kong kaklase si Balo (babae siya pero kinuha yun nickname niya sa apelyido kaya ganon) seriously ang weird niya at ang tahimik, pero ewan ba yun mga shy type na babae talaga yun mga nagugustuhan ko ee. Siya yung babae na buhay simbahan ganon kaya imposible panigurado na magkagusto sa akin, pero isa lang naman siya sa mga crushes ko that time kasi may ultimate at super duper crush ako siya si ate Kath, third year highschool siya nun, matangkad, morena, singkit at matalino. Katapat ng room namin yung room nila pag klase namin sa science.
BINABASA MO ANG
second chance pa, please(girlxgirl)
Teen FictionMay mga bagay na mawawala, at may mga bagay na di mo ineexpect na dadating. We never know na baka yung hinihingi natin kay God na second chance ee yun din ang dahilan kung bakit nawawala yung taong akala natin para sa atin na, lagi tayong Second Cha...