Hoy ikaw, oo ikaw! Alam mo bang nabunggo mo ako kanina, dahilan nang pagkabog ng dibdib sa sobrang kaba dahil sa akalang ako'y mahuhulog na.
Ito'y nagdulot ng matinding pangamba, na baka marinig mo ang pusong naghuhurimintado sa sobra sobrang kaba.
Noong tayo ay nagkabunggo,
biglang bumagal ang ikot ng mundo,
tila may mga paru-parong naglilibang sa loob ng tiyan ko,udlot upang makalimutan kong huminga ng tatlong segundo,
tila tumigil ang ikot ng aking mundo.Di maitago ang ngiting naipinta sa aking mukha,
na tila ako'y isang taong napariwa,
parang si Sisa sa isang tanyag na akda,
nasa iyong presensya ako'y di magkadaugaga.Ito namang si Puso,
Di na natuto,
Alam mong malabo, ayaw parin sumuko.
Ipatapon nalang kaya kita sa Pluto,
para tuluyan ka ng maglaho.