Ito ay nangyari sakin noong ikalimang baitang palamang ako.
Maganda ang hapon non at Masaya kaming naglalaro ng aking mga kaibigan sa loob ng aming bahay.
Ang bahay namin na tinitirhan don ay may pag kalawak ang sala kaya doon Kami naglaro ng aking mga kaibigan,tatlo Lang kaming nag lalaro sa loob ng bahay at wala kaming kasamang matanda na mag babantay saamin ng araw na iyong.Masaya kaming naglalaro non at nag tatawanan pa kami
Hanggang sa may Tumayo at Sumilip na bata sa bintana namin
kaming dalawa ng isa ko pang kaibigan ay tumakbo dahil sa takot, tumakbo kami sa likod ng isa naming kaibigan at tinakpan ang aming mga mata baka kase nanduon pa ang batang multo.Maya maya ay tinanong ko sa isa kong kaibigan kung nandoon pa ang multo
at ang sagot nito ay Wala na
bago ko paman ipikit at takpan ang aking mga mata ay nakita ko ito
ang itsura nito ay ang mukha niya ay natatakpan ng napakahabang buhok at puting at mahabang ang kanyang damit.Nang bigla itong nawala
Tinapangan ko ang aking sarili upang tignan Ito sa labas at nakita ko na wala na nga talaga ito at naisip ko na baka may nananakot lang saamin at gusto kaming paiyakin nito sa sobrang takot.
Pag kakita ko sa gate ay nakasara naman ito at kung may papasok man ay maririnig ang tunog ng pagbukas ng gate.
Bunuksan ko ang gate at nakita ko ang isa kong kaibigan at tinanong ko siya
Ikaw ba yung Sumilip sa bintana namin kanina? at ang sagot niya ay Hindi ako yun ate kakadating ko lang dito.at nang narinig ko ang sagot niya ay kinalibutan ako at sinabi ko saaking mga kaibigan non na nasa loob ng bahay na takot na takot ay Hindi daw siya yung Sumilip kanina!
at nag tinginan kami non sa isat isa at sabay takbo papalabas ng bahay.

BINABASA MO ANG
Short Horror Stories (Taglish)
ParanormalBase on my experience and my relatives and also some of the people I know ☺️ HOPE YOU ENJOY IT 😘