Chapter 14- Accidents

33 1 0
                                    

Nagising ako ng maaga at napagdesisyunan ko ng hindi na isama si Jin sa lakad ko. After ko kasing magsimba ay dederetso na ako sa Robinson para dun mamili.

Wala na kasi talaga siyang susuotin ngayon kaya hindi ko na siya isasama pa.
"Maglinis ka dito sa bahay ha. Kung aalis ka man, sure to lock the window at yung pinto intiendes?"- sabi ko sa kanya habang siya ay nagkakape at gulo gulo ang buhok pero ang hot lal--- im not saying anything.

Naputol ang pagiisip ko ng makita ko ang pagsmirk niya habang nainom ng kape

"nginingisi ngisi mo jan ha? Basta yung sinabi ko ha. Sige na. Uuwi lang din ako ng maaga"- sabi ko at umalis na ako

--
Nasa loob na ako ng simbahan at nanatiling nakatingin sa may harapan.
Napatingin ako sa may gilid ng pintuan ng simbahan which is dun nakalocate yung mga pets like lovebirds .
Kumunot ang noo ko dahil sa isang lalaki. .

Σ(O_O;)

Wait-- siya yung lalaking nakita ko kahapon!

Napatayo ako ng wala sa oras at napatingin sakin ang mga taong malapit sa pwesto ko.

Agad din naman akong umupo at yumuko. Aiishhh nakakahiya naman.

Mga ilang segundo ay sumulyap ako sa pwesto nung lalaking yun at laking gulat ko na andun parin siya. Wearing the same black coat,black gloves at black hat na natatakpan ang kalahati ng mukha nito. Tanging yung labi at ang kalahati ng pisngi nito ang nakikita ko.

Andun lamang ako at nakatitig sa kanya na nanatiling nakatayo sa pwestong yun. Hindi siya sakin nakatingin at sa tingin ko ay hindi niya din ako napapansin , Tiningnan ko ang tinitingnan niya at kumunot ang noo ko ng nakatitig siya sa dalawang batang naglalaro.

Hindi ko alam kung anong expression ng mukha niya dahil sa suot niyang cap pero biglang nanlamig ang katawan ko kasabay nun ang pagtigil ng paghinga ko.

Nanlaki ang mata ko sa nangyayari sa paligid ko, a-ano to?

H-hindi maaari. I-imposible to.
Kitang kita ko ang pagbagal ng paligid ko, kita ko kung pano aligagang nagsitayuan ang mga tao kasabay nun ang pagmamadaling makalabas sa simbahang to at eto ako, nanatiling nakaupo sa pwesto ko at tila hindi napapansin ng mga taong nasa paligid ko.

Nanatiling gulat Ko sa mga nangyayari at napatakip ako ng bunganga ko nang makita ko kung pano nadapa ang dalawang bata at kung pano sila naapakan na parang mga laruan ng mga taong nagmamadaling lumabas.

Kitang kita ko kung paano sila nalagutan ng hininga, kitang kita ko ang paglapit ng nakaitim na lalaki dun sa dalawang bata at hindi ko maintindihan ay hindi siya nasasanggi ng mga taong nagkukumahog makalabas sa lugar na to.

"Ms, paabot naman oh. Kanina ko pa to inaabot sayo ang offering basket."- isang boses na nagpagising sa diwa ko.
Gulat kong tiningnan ang babaeng nasa harapan ko habang hawak ang basket.

Agad kong inabot

"A-ahh s-sorry. "- paghingi ko ng dispensa at kinuha ko na ang basket sa kanya

Ipinasa ko na sa katabi ko ang basket pero nanatiling malalim ang nasa isip ko .
Gantong ganto din ang nangyari sa mall kahapon.
Vision ba to? Bakit ako nakakakita ng gantong premonition. 

DEVIL BESIDE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon