Clash!

131 2 2
                                    

“Kung mamalasin ka nga naman oh, kung kelan nagmamdali ka ay saka naman uulan ng malakas.”

Andito ako ngayon sa park, nag-aantay ng masasakyan dahil kelangan kong maihabol sa groupmates ko ang materials na kelangan namin para sa group project na isusubmit bukas.

“kainis! At kung mamalasin ka pa lalo ay wala pa masyadong dumadaan na sasakyan. Paano ako makakaabot nito.?”

Basang basa na ako ng ulan dahil walang masisilungan dito. Para na akong basing sisiw. Bongga!

"Ayun! May taxi na, huminto sa harapan ko. Makakaalis narin ako. . ."

“Hoy hoy! Taxi ko yan. . . . Judas? Ay Jude?” 

“bakit? May nakalagay ba na pangalan mo.? Wala naman ah!”

“pero ako ang pumara nyan.”

“paunahan lang  Ms. Tamaki, nagmamadali din kasi ako, kung gusto mo e share nalang tayo, siguro sa school ka din naman pupunta diba?”

“di bale nalang! mas gugustuhin ko pang maglakad at mabasa sa ulan kesa makasama ka! Shu shu shu! Alis na.”

“sabi mo yan ha; tara na manong, di daw sya sasakay eh.”

Mabilis na umalis ang taxi

“Aba! at tinutuo talaga ng mokong na yun. Kainis!”

“ah Miss.”

“ano ba?! Anong kelangan mo?!

“ang sungit mo naman, magmamagandang loob lang sana ako eh.”

“ikaw ba naman ang mabasa ng ulan, may gana ka pa matuwa? ano ba kasi ang kelangan mo?!”

“kanina pa kasi kita nakikitang nauulanan jan, baka kako gusto mong ihatid nalang kita sa pupuntahan mo.”

“di kita kilala, tska napaka concern mo naman sa taong di mo kilala, imposible naman na ganyan ka kabait. Lahat ba ng nauulan ay niyayaya mong sumabay sayo?”

“hindi naman, actually ngayon lang ‘to, naawa kasi ako sayo kanina. Nakita ko na inagawan ka ng taxi ng lalaking kakalabas lang dun sa coffee shop na iniistambayan ko.”

“yung lokong yun. Naiinis talaga ako sa hudas na yun.”

“san ba punta mo? Ihahatid na kita.”

“pasensya na, pero ayoko, di pa kasi kita kilala.”

Inilahad nya ang kanyang kamay.

“Rex, Rex Yohan Lawayon, ngayong kilala mo na ako, sasama knba?”

“bakit ba kasi gusto mong ihatid ako, ha?”

“gusto pa kasi kitang makilala.”

“wow ha. Sumasabay pa sa ulan yang banat mo.”

“seryoso, tara na.”

Di na ako naka hindi skanya, ang kulit din kasi eh. Isa din pala syang BSA student sa ibang unibersidad. Nasa 3rd year na. inihatid nya ako sa campus. marami pa kaming napag-usapan ni Rex, kaso late na ako kaya di ko na ikkwento sa inyo, alam ko di rin kayo interesdo skanya tulad ko.

Sa di kalayuan nakita ko na naman ang Judas Barabas na yun. Walang modo talaga. Bw*s*t! at papunta pa talaga sa kinaroroonan ko.

“sino yung naghatid sayo?”

“pakialam mo?!”

“boyfriend mo?”

“tantanan mo nga ako Judas! Ay este Jude!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

what is LOVE? (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon