Diary Ng Panget volume 4

1K 6 0
                                    

Here we go..

Come with me…

There’s a world out there that we should see….

Take my hand, close your e—Oh tama na pagkanta, magsisimula na ang pelikula. Ay! Kwento pala.

“Diary ng Panget the movie showing on April 2!” Ang kwentong nagmula sa libro na ilang buwan ring nagging best seller sa mga bookstores.

Nandito ako ngayon sa bookstore habang hawak ang libro at binabasa ang nasa poster. Nacurious ako dahil sa dami ng nagkukwentuhan at may hawak ng libro kaya ko binili ang tatlong volumes ng librong ‘yon. Apat sana ang bibilhin ko pero nagkulang na ang pera ko, alangan namang hindi ako umuwi?

Hindi naman talaga ako mahilig sa pagbabasa pero bumili na ako pampalipas oras. Pampatay ng oras na dati ay hindi ko naman nasasayang.. dahil halos araw araw ay kasama ko siya, ang ex ko.

Umuwi ako sa bahay pagkagaling ng Pandayan Bookshop at inilapag ang plastic na pinagbalutan nung mga libro. Nakakatamad. Nakakainis. Nakakalungkot. Namimiss ko na siya. Pakiramdam ko sinayang ko lang ‘yung pera ko sa pagbili ng librong ‘yon. Naupo ako sa sala, iniisip kung kumusta na siya? kung masaya ba siya?

 “Mahal ka nun” sabay siko sa tagiliran ko. Si Bashang, childhood friend ko na halos araw araw na dito sa amin, siya rin ang taong halos alam ang lahat sa akin. Birthday ko, size ng paa ko, kung kelan ako nagpatuli, kung kelan ako unang magliban ng klase kasi kasama ko siya nun. One of the boys yan si Bashang pero mula ng magkaboyfriend nagsimula na siyang magsuot ng makoloreteng damit. Nginitian ko lang siya bilang pagsagot sa sinabi niya na mahal daw ako nun.Yan palagi ang sinasabi niya tuwing nakikita niya akong nakatingin sa malayo. Sana nga mahal niya ako eh, sana ako pa rin, pero hindi eh.. iniwan niya ako, hindi niya man lang pinaliwanag ang side niya kung bakit niya ako hiniwalayan.

Mahirap kasi magmove on kung hindi mo alam kung bakit ka magmomove on. Hindi ko alam kung bakit madaling sabihing “move on na” pero mahirap talaga gawin. Mahirap gawin ang isang bagay na hindi mo alam kung paano gawin, ang mag move on.

“Ano ‘to?” tanong niya sa akin habang binubuksan ang supot ng plastic. “Libro malamang” sagot ko. “Alam kong libro, pero bakit ka meron nito? Nagbabasa ka na ngayon ng mga ganito? Wow ha, akala ko sa porn ka mahilig,hahahaha.” binatukan ko siya pagkatapos niyang sabihin yun. “Baliw ka, hindi ako nanonood ng mga ganun, wholesome ako. Binili ko lang, kasi kanina pa ako sa bookstore eh wala pa akong nabibili, nakakahiya ring wala akong bilhin.” Tumayo ako at hinablot ang mga librong hawak hawak niya. “Ay bastos! Binabasa pa eh!” Sabay sigaw ni Bashang sa akin. Tumayo siya at akmang aagawin sa akin yung mga libro pero itinaas ko ang braso ko para hindi niya makuha. “Dun ka na nga, umuwi ka na sa inyo, alam kong di ka rin nagbabasa ng ganito eh” tuloy tuloy pa rin ang pagtatry niyang kunin sa akin ang libro. Nagtatakbo ako sa sala para di niya makuha yung mga libro at hinabol niya ako. Ang kulit talaga niya kahit kelan.

“Here we go…come with me…” biglang may tumunog. Tumigil kami sa paghahabulan dahil huminto si Bashang para kunin ang cellphone niya sa side table ng sala namin. “Yes?” Sabi niya sa kabilang linya. “Ay oo? Ganun ba? Sige ingat ka dyan ha? Oo, wag kang magpapalipas ng gutom..oo sige..Mahal kita, bye na” Pagkasabi niya ng “bye na” ay hinablot niya sa akin ang mga libro. “Peram ako nito, balik ko na lang bukas.” Sabay takbo sa pinto ng bahay namin. Hindi na ako nakapagsalita dahil umalis agad siya. Bastos yun eh. Lahat ng hinihiram nun di na bumabalik sa akin. Hay! Babasahin ko pa sana yun eh! De joke lang, tatambak ko lang din yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary Ng Panget volume 1-4(Collection of one shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon