Sherre's
"Mommy naman eh! Ayaw ko nga sabi! At tsaka, susunduin po ako ngayon ni Cote!" sabi ko kay Mommy...
Gusto nya kasi na si Jake ang maghatid sa akin... Duh! magpapakamatay na lang ako kesa magpahatid sa demonyong toh...
"Hindi pwede! Pupunta ngayon ang daddy mo sa school nyo at dapat magkasama kayong sumalubong sa kanya!" sabi naman ni mama at binigay sa akin ang lunch box ko pero kinuha yun ni Jake...
"Ako na tita! Baka nabibigatan si Sherre!" kita nyo nah... ang plastic talaga ng lalaking toh kahit kailan...
"Auh! Salamat hijo!" sabi ni mama sabay ngiti...
"Maaa! Ayaw kong sumama sa kanya!" padabog na sabi ko...
"NO NATASHA ARRIANE!! SASAMA KA KAY JAKE SA AYAW AT SA GUSTO MO AND THATS FINAL!" nagtaas na ang boses ni mama at sinabi nya ang full name ko... Galit na yan.. promise..
"Tss! Kainis!" sabi ko at lumabas ng bahay...
Kahit kailan talaga nakakainis tong buhay ko... Kaya ayaw kong maging mayaman eh... Hawak ako sa leeg ng mga magulang ko...
Ilang sandali pa lumabas na ang bwisit na lalaking toh na parang demonyo kung ngumisi...
"Di nakakatawa promise!" sarkastikong sabi ko..
"I know!" sabi nya at ngumiti na parang demonyo...
Pumasok sya sa kotse nya at ini-angat nya ang hood ng kotse nya...
Tiningnan ko lang sya ng masama ng ini-start nya ang kotse nya...
"Sakay na at papasok tayo!" parang haring utos nya...
"Pumasok ka mag-isa mo! Hihintayin ko boyfriend ko dito!" sabi ko sa kanya sabay cross arms.
"Tss! That wuss?"
"What did you just call him?"
"A wuss! Why? Is there any problem there?"
Nakakairita talaga tong unggoy na toh kahit kailan... ugh..
"How dare you to ca--!"
"Yeah! Yeah! I don't care! Just hop in para makaalis na tayo!" walang ganang sabi nito... --_--
"Tss!"
Wala akong choice kundi ang sumakay sa sasakyan nya... Bwisit toh...
Umupo ako sa tabi nya... Hindi ito ang unang sakay ko pero ito yung pangalawa...
Sinuot ko lang ang shades ko at inayos ang buhok ko..
Ok.. Magpapakilala muna ako!
I'm Natasha Arriane Gregory, 18 years old and I have a handsome boyfie, Cote Lim...
Pero kahit may boyfriend na ako, I'm engage with someone... Someone na ayaw kong makita ang pagmumukha nya...
"Oh!" nagulat ako ng bigla nyang ibato sa akin ang lunch box ko...
"Tangna! Ayusin mo namang pagbigay ng gamit ko!" dabog ko...
"Pwes ayusin mo din ang pakikipag-usap mo sa'kin!"
"At bakit naman?" nakataas kilay na tanong ko sa kanya...
"Cause I'm your fiancé!"
"Yes! You are my fiancé, but you don't have the rights para utos-utosan ako!" sabi ko at humalukipkip...
Narinig ko syang bumuntong hininga...
Ilang sandali pa nakarating na kami sa school... Pinasok nya ang kotse nya sa school...