Sa mundong ating kinagagalawan
May tao ka bang iyung matatakbuhan
Matatakbuhan sa oras ng kailangan
Hindi iyung tatakbuhan ka sa oras ng kagipitan.Oras ang ginugul sa paghintay sayo ng labis
Ngunit sakit na dulot ay walang mintis
Sinabing babalikan pero nasaan ka na!
Nasaan na ang pangakong pagbabalik?Ito na ba ang kapalaran ko
Pero paano na ang pangako?
Pangakong napako at
Tila'y unti-unti pa muling pinapako.Nararamdaman ay kinalimutan na
Pagkat sayo'y walang pag-asa
Naghintay ako ngunit ano ang ginawa mo
Iniwan, ako'y iniwan mo!-8/16/17
-You can use it for school purposes but dont forget to put me as your source. Kamsa!