Hindi ko namalayang bigla ka nalang mawawala. Hindi mo man lang sinabing aalis ka na pala. Bigla ko nalang malalamang sa ibang 'Umalis na pala si Andrei? Kailan pa sya nagpuntang America?'
Nabuhay ako ng tatlong taong nariyan ka sa tabi ko. Nabuhay akong ikaw ang kasama ko. Paano nalang ako ngayong wala ka na?
Lyka's POV
“Uy Lyka, lunch break na. Di ka pa kakain?”Tanong ni Karl sakin pagdaan nia sa mesa ko na katapat lang ng opisina ni Andrei.
“Hindi na muna, mamaya nalang siguro.” At binigyan ko sya ng bahagyang ngiti.
“Sge, alis na muna ako. Kumain ka nalang pagkatapos mo dyan.”Tinanguan ko nalang sya pagkatapos nyang sabihin iyon.
Simula ng malaman kong umalis na si Andrei, nawalan na ako ng ganang mabuhay. Si Andrei Silvestre, sya ang boss ko sa trabaho at sya rin ang boyfriend ko ng tatlong taon. Hindi ko maintindihan kung bakit sya biglang nawala, ni hindi nga sya nagpaalam saakin na sa America na pala sya titira. Sinusubukan kong tawagan sya pero lagi akong bigo.
Nang makausap ko si Shiela, ang secretary nya. Ang sinabi lang niya ay dun na raw sa America titira si Andrei dahil ipinadala sya ng Ama nya run upang sya na ang mamahala sa kompanya nila.
Tatlong buwan na syang naroon sa America. Tatlong buwan na rin akong parang lantang gulay. Lagi akong kinakausap ni Karl, ang kapatid ni Andrei. Oo, si Karl Silvestre sya yung kausap ko kanina lang. Lagi niyang sinasabing wag ko raw pabayaan ang sarili ko dahil lang kay Andrei. Natapos ang pagmumuni muni ko dahil pagtingin ko sa harapan ko ay narito na si Karl at may dalang pagkain.
“Oh Karl, akala ko ba kakain ka na?”
“Oo nga, kaya nga tinake-out ko nalang to para sabay na tayong kumain.”
“Hindi pa naman ako gutom. Sge na, kumain ka na.”
“ Hindi pwede, dapat kumain ka rin. Sabay na tayo.”
“Wala naman akong magagawa eh. Sge na, tara na sa rooftop.”
Laging ganito si Karl, simula ng umalis ang kapatid niya, lagi niya akong inaalagaan. Siguro dahil naaawa rin sya sa kalagayan ko. Nakikita niyang lagi akong malungkot.
“Lyka, wag mo na masyadong isipin si Andrei. Okay naman daw siya sa America.”
“Na-nakakausap mo sya?”Tanong ko sakanya na parang naiiyak na naman.
“ Oo, tumawag palang sya kanina. Pinapa-asikaso nga niya yung mga papeles na kailangan nia para dun na talaga sya tumira.”
“Wala na pala syang balak bumalik. Wala na rin pala syang pakialam sakin.”
“Wag ka nga mag-isip ng ganyan. Malay mo, busy lang sya roon kaya di ka nya natatawagan.”
“Bakit ikaw? Natatawagan niya? Sabihin mo nga sakin, ano ba talaga ang rason nia para pumunta dun?”
“ E-e-ewan ko. Hindi ko alam.”
Hindi ko nalang sya sinagot pagkatapos nun. Pero sigurado akong alam nya ang totoong dahilan kung bakit nagpunta si Andrei sa America. Malalaman ko rin yun pagdating ng panahon.
-----
haha! Subukan ko lang gumawa ng story. Okay lang kahit walang pumansin, basta makapagsulat lang ako. :))
GHI.