Confusion

36 3 0
                                    

Karl’s POV

 Habang kumakain kami ni Lyka ditto sa rooftop, hindi ko maiwasang mapangiti dahil dati’y hindi ko man sya makausap dahil si Andrei ang lagi nyang kasama. Kung tutuusin, simple lang si Lyka, hindi pala’make up hindi katulad ng girlfriend ko na si Andrea. Si Andrea Chu, ang girlfriend ko na pakakasalan ni Andrei dahil ang mga magulang namin ay nagkasundo para mag-merge ay kumpanya namin.

 Hindi ako pumayag na magpakasal kay Andrea kahit na girlfriend ko pa sya, hindi ko naman kasi talaga sya mahal. Pinipilit nya lang kasi ang sarili nya sakin. Kaya ang nangyari’y si Andrei ang ipapakasal dito.

 Nagulat nga ako dahil pumayag syang ipakasal kay Andrea, samantalang tatlong taon na nyang girlfriend si Lyka Clemente. Kung ako lang ang papipiliin, si Lyka ang pipiliin ko sakanilang dalawa ni Andrea. Dahil siguro, masyadong liberated si Andrea kaya pumayag si Andrei.

 Kahit na alam ko ang dahilan kung bakit nasa America si Andrei, hindi ko yun masabi kay Lyka. Naiisip ko kasing malulungkot sya ng sobra. Kaya gagawin ko ang lahat para makalimutan nya si Andrei. Para maging masaya ulit si Lyka.

“Lyka, ano bang ginagawa mo ngayong wala si Andrei?”

“Hm, mag-isa lang ako sa condo. Uuwi tapos matutulog. Diba nga nasa Canada na sila Mama, kaya yun laging ako lang mag-isa sa bahay. Simula ng nawala si Andrei, nawalan na ako ng ganang mabuhay. Tara na, tapos na Lunch Break.” Napansin kong malungkot ang mga mata nya habang sinasabi nya yun. Di ko inakalang ganun nya kamahal ang gago kong kapatid. Hindi alam ni Andrei kung anong dyamante ang iniwan nya at ipinagpalit sa napakapanget na bato.

“Sge, marami pa pala akong gagawin. Kumain ka lagi, wag kang magpagutom.”

Lyka’s POV

Pagkatapos ng trabaho, umuwi agad ako. Hindi na ako kumain, naligo nalang ako at nagbihis ng pantulog. Paghiga ko sa kama,

Bzzt

Bzzt

Bzzt

Calling..

Karl Silvestre

“Tumatawag si Karl? Bakit kaya?”

ANSWER.

“Oh karl? Napatawag ka?”

“Ahh, Lyka, nasa labas ako ng unit mo.”

“Huh? Bakit? Wait, lalabas ako.”

Paglabas ko, nandun nga si Karl. Bihis na bihis.

“Lyka, pwede mo ba akong samahan? May dinner meeting kasi ako. Baka kasi di ka pa kumain, naalala kong isama ka.”Napangiti ako pagsabi nya nun. Parang nahihiya kasi sya. Namumula kasi sya.

“Ah sge, pasok ka muna. Magbibihis lang ako. J”

Nagsuot lang ako ng simpleng dress, naglagay ng konting kolorete, tsaka nagsuot lang  ng wedge.

“Oh tara na? Baka malate pa tayo.”

“Sge, salamat. J”

Karl’s POV

Pagdating naming sa Restaurant na pinareserve ko ay parang nagulat si Lyka. Pinaayos ko kasi ito na parang candle light dinner. Sosorpresahin ko dapat si Lyka, para maging masaya naman sya. Hindi naman ako nabigo dahil mukhang nasorpresa naman sya.

“Karl? Akala ko ba may meeting ka? Napangiti ako dahil sa itsura nya.” Napakaganda nya kasi.

“Oo nga, may meeting tayo. Tara kumain na tayo. J”

“Pero Karl, sabi mo may meeting ka. Tapos tayo ang may meeting? Hindi naman ikaw ang  boss ko dba? Sa ibang department ka, imposible namang may meeting tayo diba?”

“Lyka, ang ibig kong sabihin, sinabi ko lang yun para sumama ka sakin. Alam ko namang di ka sasama kapag sinabi kong kakain tayo sa labas. Ginawa ko na rin to para malibang ka. Tsaka para malimutaan mo ang kapatid ko.”

“Malimutan ang kapatid mo? Si Andrei? Bakit ko malilimutan si Andrei? Boyfriend ko pa rin sya dba? Babalik din naman sya dba?”

“Hm, Lyka. Wala yun, gusto ko lang sabihin na habang wala si Andrei magsaya ka muna.”

Lyka’s POV

“Hm, Lyka. Wala yun, gusto ko lang sabihin na habang wala si Andrei magsaya ka muna.”Pagkasabi ni Karl nun, di ko na maintindihan yung iba pa nyang sinabi. Parang may ibig sabihin yung mga sinasabi nyang para malimutan ko na si Andrei. Para bang hindi na ako babalikan ni Andrei.

Pagkatapos ng Dinner naming iyon, hinatid na nya ako sa Condo. Hindi rin ako kaagad nakatulog dahil sa kakaisip ng mga sinabi ni Karl. Naitanong ko rin sakanya ang girlfriend nyang si Andrea, pero mas nakakalito ang mga sinabi nya.

FLASHBACK

“Karl, bakit pala hindi ko na nakikita yung girlfriend mong si Andrea?”

“Si-si Andrea? Nagbabakasyon sya kasama yung bestfriend nya. Sa Boracay ata.”

“Pero matagal ko na syang di nakikita ah? Parang sabay sila nawala ni Andrei.”

“Oo, magkasama kasi sila.”

Di ko narinig yung sinabi niya dahil ang hina ng pagkakasabi nia. Pero narinig ko yung salitang magkasama.

“Sinong magkasama?”

“Ah eh, Magkasama kasi sila Andrea tsaka yung bestfriend nya kaya nagtagal sa bakasyon. Kapag kasi sila na yung magkasama parang hindi nauubusan ng gagawin.”

“Ah ganun ba, parang kami pala ni Andrei kapag magkasama.”

“Lyka, pwede bang kapag magkasama tayo wag mong babanggitin si Andrei?”

Pagkasabi nya nun, iniwan na nya ako sa tapat ng unit ko. Bakit kaya ayaw nyang banggitin ko si Andrei kapag kasama ko sya?

--

GHI

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm AbandonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon