----------
"Mahal kita, Shie" labis na ikinagulat ng dalaga ng marinig niya ang mga katagang yan sa lalaking matagal na niyang kaibigan.
"ha-ha-haha ayan ka na naman sa mahal kita, mahal kita, luma na yan. Tsong hindi na benta yan." Sabi ng dalaga sa lalaking nasa harapan niya. Madalas kasi itong banngitin ng kanyang matalik na kaibigan, kung kaya't nasanay na siya.Pero hindi niya rin maikubli sa kanyang sarili na tuwing babanggitin ng kanyang kaibigan ang mga katagang iyon ay may kakaiba siyang nararamdaman.
"Hind ako nag bibiro Shie totoo mahal kita. walang halong biro. noon pa man mahal na talaga kita." Seryosong pag amin ng binata sa babaeng kanyang pinakamamahal.
Noon pa man ay labis na talaga ang pa mamahal niya sa dalaga ngunit wala siyang lakas ng loob na sabihin ito dahil natatakot siya na baka masira ang kanilang pag kakaibigan.
Pero hindi na niya kaya pang itago ito dahil habang tumatagal ay palala ng palala ang kanyang nararamdaman para sa dalaga
"Steve naman eh, huwag ka naman mag biro ng ganyan." Pilit na tinatanggi sa sarili ng dalaga ang sinabi ni Steve sa kanya, kahit na malakas ang pakiramdam niya na may katotohan ito.
Natatakot lamang siya na maulit pa ang nangyari noon, na labis siyang nasaktan ng isa rin sa matalik niyang kaibigan. Dahil na pag alaman niya na pinag pustahan lang pala siya ng mga kabarkada nito.
"Kilala mo ako Shie kaya alam ko na alam mo na seryoso ako sa sinasabi ko." Saad ni Steve sa dalaga.
"Pero----" kokontra pa sana ang dalaga ngunit inunahan na siya ni Steve.
"Alam ko nalilito ka pa sa mga nangyayari, pero Shie maniwala ka lahat ito,lahat ng nasabi ko sayo noon at sinasabi ko sayo ngayon.Totoo lahat' to."buong pusong tugon ni Steve sa dalaga.
Ngunit hindi pa rin makapaniwala ng lubusan si Shie sa mga kaganapang naggyayari nagyon.
"Isang linggo Shie,isang linggong pag iisip para malaman mo kung ano rin ba talaga ang nararamdaman mo para sakin, desperado na ko.Pag katapos ng isang linngo pumunta ka sa bahay doon ko ipapaliwanag sayo lahat kung saan at paano ako na in love sayo.Pag katapos nun kung ano man ang maging desisyon mo, tatanggapin ko ng maluwag sa aking kalooban." Pag katapos itugun ng binata ang mga salitang iyon ay sumakay na siya sa kanyag motor at tuluyan ng nag paalam sa dalaga....
Walong araw na ang nakakaraan simula ng maganap ang pag uusap na iyon sa pagitan ng dalawa.
Ngunit heto siya sa park at binabalikan ang mga ala-ala nila ni Steve. Ang masasayang ala-ala na naganap sa park na ito.
Mayroon siyang nakitang isang binata at dalaga sa hindi kalayuan at tila may pinag tatalunan eto.
Kaya bigla niyang na alala ang mga panahon na nag away silang dalawa ni steve dito sa park.
Yun yung mga panahon na sobrang na late si Steve sa meet up nila at ang dahilan niya ay nakipag kita raw sa isang babae.
Napag isip-isp niya at naitanong sa sarili bakit nga ba labis ang galit niya noon?. na late lang naman si Steve noon na madalas namang gawain ni Steve ang ma late.
BINABASA MO ANG
Kasalanan Ko...(Oneshot)
RomanceOne shot story about Love [FINISHED] Worked By: JstarDreamer Nam-Gyu-ri as Shie Jung il Woo as Steve