Chapter Two

2 0 0
                                    

After long long years. Jk hour lang, traffic eh. Buti nalang nakarating na kami sa Mall. Balak ko manood ng sine ngayon kaya gors na gors nakami sa Cinema.

"Yeyy girl! Buti nalang at sumama ako sayo nagtext si Argho boring daw sa room haha." Cheery na sabi ni Qwerts! Nakooohh, kaya naman pala eh.. si Argho! Longtime for lifetime crush nya yan eh.

"Suuuss sabi sayo eh. Kaloka! Haba naman yata ng pila sa Sine? Anong meron?"

"May artista yata girl."

"Artista? Where? Hello kaharap mo lang ako! Nandito kaya ang Artista. Duh! Mga bulag ba sila?"

"Ge lang girl, di masama mag assume."

"Nakakita ka na ba ng stars?"

"Di pa e. Bakit?"

"Gusto mong makakita?"

"Saan? Oo tara!" Sushunga shunga din tong kaibigan ko eh no? Loka talaga. Like hello, gabi pa ang mga stars. Tshh

"UPAKAN KITA DYAN 'E! Baliw! Slow mo! Halika na nga."

"Tshh. Atleast im not maarte like you."

"MAARTE? Ako? Hell yeah! May pag aartehan ako eh, ikaw ba? But atleast may brain dibuuuhh"

"Yeah yeah, you say so"

Hinila ko nalang sya sa videoke rooms. Parang trip daw kasi nyang kumanta, well ako din kaya gora! Hahaha. Saka nawalan na din ako ng gana manood ng sine. Duh! Nakakasuffocate kaya there kapag madaming tao. Ayoko ngang magstanding no.

"Ainari! Halika na dito!" Sabi ni qwerts habang hila hila ang kamay ko.

Ah.. oo nga pala, nakalimutan ko ng magpakilala sa sobrang KAGANDAHAN KO. Oo AKO! Ako si Rainaleine Rui Lim. Ainari ang tawag sakin ng mga kaibigan ko. Rui (ruwi) naman sa mga kaklase ko. 17 years of bringing hotness in earth. That's all, thank you! Hahahaha.

Pumasok na kami sa assigned room ni Qwerts. Yes, you read it right. Assigned room. Business partner kasi si Dad sa mall na ito kaya everytime na magmomall ako, one text away lang ang mga staff and reserved na for me! Spoiled that much huh? Not everytime naman. Pero hindi ko pinapasabi sa Daddy ko na nagmomall ako pag class hours. Kundi i'm a dead sexy meat!

At pumili na sya ng song na kakantahin namin. Duet daw gusto nya eh. So ayun, ang kinanta namin is Be Careful with my Heart. Wow ha! Maka ser chief pala tong si Qwerts. Ayos lang, fafabols naman eh. :p

Nag aliw aliw at baliwan lang tong si qwerts sa ktv room. At ako? Wala, nagbabasa lang ako sa wattpad ng "The XL Beauty" sa iPhone5s ko.. wala eh, ganda nito sobra. Basahin nyo na din ha! Prms di kayo magsisisi. I admire the girl nga there eh. Si tabby! Maldita much pero in a good way, she never let anyone to bash her. Ang ganda ng story nila ni Kei! At si Kei? Ohmygoodness! Hotness! Sya na ang pinakagwapong pulubi sa mundong ibabaw ever. Hahaha sorry tabby jk lang yun. Ikaw na Dyosa ng mga Chubby ever! At sayong sayong na si Kei! Loveyou. mwamwa!

"Palakpak naman dyan besty!" At dahil may moral support akong tinatawag sa aking bokabularyo (lalim ah, di mahukay 'teh!) Pumalakpak naman ako. Kahit sintunado tong bespren ko. Pero kunwari lang, maganda kasi talaga boses nyan. Pero mas maganda ako. Ha ha

Umuwi na kami pagkaraan ni qwerts, pero nag-aya pa syang kumain muna sa Starbucks. Dinner plus meryenda na din daw. Tapos nagpasundo nalang ako kay Manong Mando.

*tooott tooott*

From: Best - Qwerts

Besty ^o^ May homework tayo sa Math. Page 123 daw sabi ni Argho. Hihi

Nagreply naman ako.

To: Best - Qwerts

Ah oky, alam mo na. ;)

*tooott tooott*

From: Best - Qwerts

Ikaw talaga! Ohky, ikr!

To: Best - Qwerts

Thanks hihi, loveya! <3

Hindi naman sa ayoko sa math, pero tinatamad lang talaga akong magsagot. Too much stress pa yun eno! Beauty rest muna ko.

((**!!!!KKRIIIINNGGG!!!!**))

Tae naman oh! Inabot ko yung alarm clock ko, at sinubukang patayin. Nadismiss ko na at bumalik sa pagtulog pero after 5 mins.. KRRRIINNGGGG!

"Ainari ineng bangon na po napainit ko na po yung tubig ma'am! Alas syete na ho! Bangon na!" Sigaw ni Yaya Emy sa baba. Mukhang mas malakas pa nga yung boses nya sa alarm clock ko eh. Pero wag kayo, love ko yan!

"Opo ya, *yawns*" sigaw ko naman sa baba.

As the usuals, katulad sa ibang kwento.. Naligo. Nagbihis. Nagtoothbrush. Nagpaganda and everything then Smile. And ready na ako pumasok sa school! :)

Bumaba na ako ng hagdan and then i saw my Daddy reading the News Paper and having his breakfast.

"Baby you wake up so early huh? What is the reason why didnt you wake up on time?" Welcome sa akin ng Daddy ko. Umupo ako sa tapat nya. And kumain na ng Pancakes and EggHotdogs with Choco Syrup and Butter and Chocolate Milk drink. (Kailangan talaga detailed pati kakainin? Hahaha)

"Just say Good morning Dad, i have been reviewing last night cause malapit na naman ang exams. Good Morning! Im gonna be late. Take a Sip of your Coffee and Just enjoy the life! Hihi iloveyou dad. Ingat sa work. Bye" Sabay kiss ko sakanya sa pisngi..

I maybe mean sometimes, but not to my Dad. He's the only person in the world that i can always count on. And syempre pati na din si Qwerts.

"Ohkaaayy baby, thanks for reminding me. Be good at School. Always be attentive! Ingat din sa School. Iloveyou! Bye" :)

Nahatid na ako ni Manong Mando sa Gate, sabi kasi nya papark muna nya yung car ko. I know how to drive pero ayaw pa ipadrive sa akin ni Daddy ang car ko kasi daw wala pa akong 18. Eh nakuuuhh, may student's license naman diba? Ito talagang si Daddy dear! Yung family car kasi hindi pa licensed yung plate number kasi kakabili lang kaya hindi pa pinapagamit. Then yung car nya, ginagamit nya in Office.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa hallway, ang dami ng bumabati sa akin. Nagbibigay ng chocolates at flowers.

"Miss Rui! Tanggapin nyo po itong Gift ko sayo. Isa po yang Lucky Bracelet from City of Love, Paris!" Suuuss aanhin ko naman ang Lucky Bracelet?

"Oh thanks btw!" Nagsmile nalang ako.

"Hi Rui!" "Ate Rui, ang Ganda mo naman po" "Hello Rui Good Morning"

At halos yan lang ang narinig ko pagpasok ko. Yung iba ang daming Gifts. Kaya ang dami ko tuloy bitbit! Syempre ayoko naman maging rude at mean masyado kaya tinanggap ko na. Dumaan muna ako sa Locker's Room para ilagay ang mga ito.

LOVE SUBJECTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon