"Natutulog ka na naman." Pagrereklamo ni Agatha sa kanyang bise presidente.
Tumayo sa pagkakahiga si Charles at humikab.
"Good morning, Aga. Anong oras na?" inaantok na pagtatanong nito.
"Kanina pa nag-uwian. Puro tulog na naman kasi ang inatupag mo."
"Okay lang, masipag naman ang presidente ko." Sabay hinalikan sa noo si Agatha at lakad palabas ng kwarto si Charles.
Ibig ng batukan ni Agatha ang vice president sa carefree nitong ugali.
Kung hindi lang siya ang presidente, matagal na niyang binugbog ang lalaking yun.
Nagbuntong hininga na lang siya. Parati na lang ganito ang kanyang kababata simula nung nanalo ito sa eleksyon.
Laging natutulog sa kanilang opisina. Kung hindi natutulog, nagbabasa naman ng mga libro.
Ginawang bahay ang Student Council room.
Ang nakakapagtaka ay hindi lang nagrereklamo ang iba nilang kasama sa posisyon.
Okay lang ba sa kanila na walang ginagawa ang bise presidente?
Hindi siya makakapayag dito. Hindi niya hahayaan na masira ang pangalan ng Student Council na pinaghirapan niya.
Kahit matagal na ang pagkakaibigan nila ni Charles, hindi ibig sabihin na papayag ito sa katamaran na pinapakita nito.
Kinuha niya ang mga papeles para sa budget proposal sa mga events na mangyayari ngayong buwan ng Pebrero sa kabinet.
May nagkamaling pagtutuos sa ginawa ni Jed Paolo, ang ingat-yaman ng grupo.
Sa hindi mawaring dahilan, hindi maayos nito yung proposed budget para sa foundation week.
Hindi kasi ito tatanggapin ng Office of the Student Affairs kung masyadong malaki yung budget na gagamitin.
Nakakagulat isipin na nagkamali si Jed sa computation niya. Lagi naman ito nagpapasa ng tamang report.
Ngayon lang ito nangyari sa buong taon na magkasama sila.
Binababa niya muna ang mga papel. Naalala niya na may checking duty pa siya.
Kinakailangan niya pang umikot ng buong campus at siguraduhin na nakauwi na ang lahat ng mga estudyante.
Madalas kasi gumawa ng kalokohan ang mga seniors bago grumaduate.
Mayroon din mga magkasintahan ang gumagawa ng kababalaghan sa loob ng mga silid-aralan.
Sumasakit lang ulo niya sa kakaisip. Ang dami niya palang kailangan gawin.
Pag-uwi niya, susundin pa niya ang bunsong kapatid sa kindergarten.
May isang tambak pang mga project at homework na naghihintay sa lamesa niya.
Pero kahit nagkapatung-patong na ang mga trabaho niya, hindi niya magawang magreklamo.
Sa totoo lang, mas natutuwa siya kapag ganito. Mas randam niya ang purpose ng buhay sa pagtulong sa iba.
Matagal na niyang ibig sumali sa Student Council kaso nagdadalawang isip siya kung kakayanin niya yung responsibilidad na kaakibat nito.
Ngayon na naging presidente na siya, ay gagawin niya lahat ng kanyang makakaya na gawing worthwhile ang student life ng bawatestudyante sa paaralan nila.
Habang naglalakad sa corridor, nakarinig siya ng mga nagagalit na boses sa loob ng isang silid.
"Kala ko ba mahal mo ko? Pero bakit nakikipag-break ka sa akin? Dahil ba mag-aaral na ko sa Manila?" tanong na pagalit ng lalaki.
BINABASA MO ANG
The Vice President's Secret
RomanceAno ba talaga pakinabang ng Vice President sa Student Council? Basahin ang istorya para malaman.