Chapter Six

0 0 0
                                    

Kevin's P.O.V

Ngayon nasa hapag kainan kami ng family ko . Si Dad nasa pinakadulung seat . Si mommy naman nasa right side ni dad . At ako naman nasa left side niya. Kumakain na kami ng dinner ngayon. Di ko makalimutan yung happening na yun kanina . Na nahawakan ko ang malambot na kamay ni Alexa . Yung moment na yun ay forever na nakatatak sa isip ko. Yun yung moment na isa sa mga matagal ko nang inaasam yun ay ang mahawakan ang mga kamay niya.
Kaya sa mga oras na toh di ko maiwasan ang ngumiti ng napakatamis.

"Son why are you smiling ? "Tanong ni dad sakin

"I'm smiling because of my inspiration." Sagot ko

"At sino naman yang inspirasyon mo anak?" Tanong naman ni mommy

"Si alexa po mom siya po ang dahilan kung bakit ako araw araw na masaya."

"Binata na talaga ang anak natin hon."

Matapos ang maikling usapan ay ipinagpatuloy na namin ang pagkain.Hangang sa matapos kami nakangiti pa rin ako.
Kasi si alexa lang yung kumumpleto ng araw ko. Masaya pala umibig noh nagkakaron ka ng inspirasyon para mabuhay. Nag kakaron ng kulay yung boring mong mundo . Nagiging masaya ako sa mga oras na kasama ko siya.

Kaya pag sinagot na niya ko . Ipapangako ko na di niya pagsisihan na ako ang napili niya. And i'll show her that my love is only for her. Na wala nang ititibok ang puso kung di siya lang.

Niligpit na ng mga maid namin yung pinagkainan namin. Maguumpisa naman kami kumain ng dessert . Nang ihahain na ang dessert nagpaalam na ako sa kanila. Inaantok na rin kasi ako. Excited pa nga ako matulog kasi bukas makikita ko na naman . Yung dyosa ng buhay ko makakasama ko nanaman yung minamahal ko. Nang makapagpaalam na ko dumaretso na ko sa hagdan . Para makaakyat na papunta sa kuwarto ko.

Sana maging masaya ang araw namin ni Alexa. Sana lagi na lang kami masaya. Sana wala kami maging problema sa magiging relasyon namin.

Hayyy tama na nga . Mabuti pa matulog na ko kasi sa sobrang excited baka di na ko makatulog nito.

Ipinikit ko na ang mga mata ko. At ilang sandali lang ay tuluyan na kong nakatulog sa kinahihigan ko.

Alexa's P.O.V

"Ohh anak anjan ka na pala ohh kamusta sa school?"

"Ok lang ma medyo pagod lang ako ng konti."

"Anak muka ka bang pagod ehh kanina nung pinagbuksan kita ng pinto nakangiti ka. Bakit anong meron?"

"Yes ate anong meron ? bakit may sweet smile ka ate ?" Singit ni mira

"Wala masaya lang kasi ako kasi malayo palang nakikita ko na si kevin na talaga yung para sakin."

"Sana nga anak sya na talaga yung para saiyo ayaw ko pa namang masaktan ang anak ko."

"Sure po yun mama kasi po nung kumain po kami sa jollibee ni ate nakita ko po na mabait po talaga si kuya kevin."

"Mira anak tama na nga yan bata ka pa ehh kung ano ano na nalalaman mo. Ahh anak ilapag mo na ang mga gamit at tayo na't kumain na ng dinner."

"Ok po ma ." Bilang sagot ko sa utos niya. Nang makaalis na sila mama at mira . Nilapag ko na ang gamit ko at sumunod na rin sa kanila.
------------------------------------------------------------------------------

Ngayon paalis na ko ng bahay para pumasok sa school. Ano naman kaya yung mangyayari samin ni kevin. Sana maging masaya kami ngayong araw na toh. Ano na naman kayang kasweetan yung ipapakita niya sakin. Tignan natin mamaya pagnasadivisoria na kami . Sure ako maeenjoy namin yung trip namin mamayang dissmissal.

Unexpected loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon