Bati na ulit/ may new girl??

6 0 0
                                    

Bati na ulit/ May new girl?!

*Monday Morning*

Kristin Cruz's POV:

Hay naku, pasukan na naman makikita ko nanaman yung Oliver na 'yun! Kala mo kung umasta siya ang hari ng mundo.

Pero akala ko talaga nagbago na siya dahil nung mga time na nag prapractice kami mabait naman siya, pero hindi pa rin pala! Che! Akala niya mag sosorry ako wala naman akong ginawa dapat siya ang mag sorry and I'll admit it I really overreacted. At yun lang ang kasalanan ko.

Speaking of practice, di pa pala kami masyadong nakakapractice dahil jan sa pinaiiral niyang pride! Bahala siya pwede ko namang tanungin si Juno kung ok lang sa kanya na siya na lang ka-partner ko para dun sa audition mukha naman marunong siyang kumanta.

"Hija, ready ka na ba? Malelate ka na!" Tawag sa akin ni Manang Ising.

"Opo manang tapos na po, pababa na po"

Fingers crossed na lang kung mag sosorry siya, pero kung hindi well, let's go to plan B kay Juno, I'll ask him na lang.

*Pagdating sa School*

Oliver Tulidares's POV:

Asan na kaya yung babaeng yun? Hindi pa nga kami nakakapag practice nung para sa audition namin.

Hindi ko naman magawang mag sorry sa bahay niya kasi baka malaman ng mga kasama niya sa bahay na nasigawan ko siya baka mga mag overreact pa maisumbong pa ako sa mga magulang niya magalit pa sakin at pagbawalan na akong lumapit kay Kristin.

*after a minute*

Ay, ayun na siya dumating na si Kristin! Naku kinakabahan ako sa pag sosorry ko sa kanya.

"Kristin" tawag ko sa kanya.

Aba, mukhang nagkukunyari pang di niya ako naririnig. Malapitan nga.

"Kristin" and she just kept walking. Hay ano ba naman yan?!

Papasok na sana siya sa classroom pero hinarangan ko na yung pinto.

"Stay away from the door" malamya niyang pagkakasabi.

"Kristin naman e,"

"I said, Stay. Away. From. The. Door." Galit na galit niyang pagkakasabi dahil kitang kita mo sa mata niya na naiinis na siya.

Kung nakakamatay man ang mga tingin siguro kanina pa ako namatay sa harapan niya at mukhang dead on arrival ako kung itatakbo ako sa ospital.

"Kristin, please let's just talk first,"

"Bakit, ano ba sa tingin mo ang ginagawa natin ngayon Oliver?! Ano, nag rerecite tayo ng poem o kumakanta, e diba nag uusap na tayo ngayon..." Then she rolled her eyes.

"May sasabihin lang ako sayo"

"Okay I'll give you 5 minutes, 5 mins. Only!"

Ang taray naman nito ngayon, well kailan ba ito hindi naging mataray sakin?!

"Clock is ticking, tick tock tick tock."

"Okay," I sighed.

"I'm sorry okay?! Sorry kung nasigawan kita, sorry rin dahil hindi ako huminging sorry kaagad at sorry rin kung hindi ako gumawa ng paraan para lang mag sorry sayo kahitalam ko naman yung bahay mo di parin ako nag sorry, kasi baka pagtulungan lang ako ng mga tao dun,"

"Ano so ok na tayo? Kristin!"

"Uhmm, sorry rin"

Huh? Nag sosorry rin?!

"Well, kasi nag overreact ako, sorry rin kung nagalit talaga ako sa'yo kahit simpleng sigaw lang yun."

Wow?! Wlang ka pripride sa katawan nitong babaeng ito. NICE!

"At yeah ok na tayo!" Sabay ngiti sa akin!

Sa sobrang tuwa ko napayakap ako sa kanya nang mahigpit.

"Uhm ehem!" Napabitiw ako sa kanya kaagad ng nakita ko itong babaeng ito nakitingin sa amin at mukhang inis na inis. Pero maganda siya ha?!

Pero bakit sa tinagal ko dito sa school na ito hindi ko pa ito nakikita?! Parang tinamaan yata ako ang ganda niya kasi e.

"Ano ba jan ba talaga kayo mag yayakapan sa harap ng pintuan, excuse me naman o!"

"Ay sorry," sobrang polite na pagkakasabi ni Kristin sa new girl.

Hindi ko akalain na sa kalagitnaan ng school-year tumatanggap pa rin pala ng mga newbies.

Well, in fairness mukhang may gusto talaga ako dito sa babaeng ito. At nakadress pa siya at naka heels pa medyo yata naka make-up pero light lang yata, grabe ang ganda niya!

Hinila ako bigla ni Kristin sa tabi para may space yung new girl para makapasok siya sa classroom.

Sino kaya yun?matanong nga mamaya.

"Oliver!" Sigaw sa akin ni Kristin kaya ako napatalon sa gulat.

"O, sorry bakit?"

"Wag mong kalimutan yung practice natun para sa audition ha?! Dito na lang sa classroom after class."

"Okay"

My Enemy Number 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon