SAMPUNG TAON nang Doctor si Mr.Manuel at sampung taon na din siyang nagtatrabaho sa Hospital ng San Matin. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang kayang ibuhos para lamang matupad ang kanyang pangarap.
"Good Morning Doc."
"Magandang umaga sir!"
"Good Morning po"
Mga bati na sumasalubong sa kanya sa tuwing siya ay pumapasok ng Hospital. Hindi din maikakaila marami na din siyang naipundar dahil sa pagtatrabaho.
"Doc. Nabisita mo na ba yung batang nasa Room 190?"
Pagtatanong sa kanya ng isang Nurse.
"Naku , hindi pa nga e pero i che-check ko siya later, nagpatawag kase ng meeting kanina" sagot niya dito.Dumeretso naman siya sa kanyang opisina at duon chineck ang lahat ng hahawakan niyang pasyente .
Habang nag babasa ng background ng ibang pasyente ay biglang tumunog ang telepono niya
*riiinnnggg* *riiinnngggg*
Agad niyang inabot ang telepono at tsaka sinagot
"Hello?" Saad niya habang pinagpapatuloy ang pagbabasa .
"Hello?" Saad niyang muli nang walang sumagot sa kabilang linya .
Pinakiramdaman niya ang kabilang linya pero wala pa ding sumagot kaya naman napagdesisyunan niyang ibaba ang telepono.
Hindi pa nakakalipas ang isang minuto nang muli ay mag ring ang telepono
*riinngggg* *riinnngggg*
"Hello?" Tanong niyang muli nang kanyang sagutin ito.
"Hello?" Nakakunot na niyang tanong , natigil na din siya sa binabasa at naging seryoso ang mukha niya , sa pagkakaalam niya ay hindi pwede ang pag pa-prank call sa ganitong trabaho. Lalo na't seryoso ang trabaho nila.
"Hello? Sino to?" Tumayo siya at tinignan ng bahagya ang telepono. Pinatay niya nalang muli at tsaka tinungo ang labas.
Kinausap niya ang isang guard upang sabihin na may nagpa-prank call nga sa kanya.
Tumugon naman agad ang gwardiya at sasabihin na lang sa kanya kung meron nga .
Bumalik siya sa loob ng kanyang opisina at doon ay pinagpatuloy ang pagbabasa nang...
*riinngggg* *riinnngggg*
'Hayst, sino nanaman kaya to?'
Saad niya sa kanyang isip. Pero alam niyang kailangan niya itong sagutin kahit na iniisip niyang may mangloloko nanaman sa kaniya.
"Hello?" Pagsagot niya dito.
Pero katulad nang kanina ay wala pa ding sumagot sa kabilang linya.
"Hello? Sino ba to?!" Pataas na saad ni Dr.Manuel , pakiramdam niya kase ay niloloko na talaga siya
"Hoy ikaw kung sino ka mang tao ka, Wag mo akong niloloko!" Pasigaw na niyang saad. Pero wala pa ding umimik sa kabila, bagkus ay isang napakalas na sigaw amg kanyang narinig.
"AAAAAAHHHHHHHHH!!" Nababa niyang muli ang linya at napatakip sa kanyang mga tenga.
Lumabas siyang dali-dali sa labas at agad na kinausap ang gwardiya na kinausap niya kanina.
"Po? Pero hindi niyo po ako inutusan kanina Doc."
"Ha? Paanong hindi e sayo nga ako nagsabi na puntahan mo yung ad— teka teka , sigurado ka ba kuya o niloloko mo din ako?"
"Pero Doc. Hindi po kita nakausap kanina , n-ngayon lang po, kagagaling ko lang po sa itaas para kumain." Pagpapaliwanag muli ng guard.
Magsasalita pa sana si Dr. Manuel nang tawagin siyang muli nang isa sa mga nurse na naroon.
"Doc. Emergency po sa Room 190! Inatake po kase yung pasyente!" Hysterical na saad ng nurse. Kaya naman walang nagawa ang Doctor kundi ang magmadaling pumunta sa Kwarto na sinabi nang Nurse. Pagkapasok niya roon ay nakita niya ang ibang mga Nurse na inaasikaso ang pasyente, ginawa na din niya ang lahat pero sa bandang huli ay binawian pa din ng buhay ang pasyente. Lubos siyang nalungkot dahil naaawa siya sa bata.
Bumalik siya sa opisina niya na mabigat ang pakiramdam, pakiramdam niya ay nabigo siya sa kanyang misyon ngayong araw.
*riinngggg* *riinnngggg*
Sinagot nito na parang wala sa sarili, hindi iniisip na kanina lang ay may nang loloko sa kanya..
"Hello Dr.Manuel pinapatawag po kayo sa Head Office" sambit ng kausap niya , marahil ay tungkol ito sa pasyente niya kanina.
Malumbay siyang naglakad at tinungo ang Elevator sa tabi ng basement. Kakaunti lamang ang gumagamit nito dahil may kumakalat na kwento na tumitigil daw ang elevator sa 5th Floor . Ang Floor na hindi na ginagamit dahil sa aberyang nangyari dito dalawang taon na ang nakakalipas. Sinasabi din na marami daw nagpapakita ditong mga multo kaya naman ay takot ang ilan na gumamit ng elevator na iyon. Ito lang kase ang natitirang elevator na nasasakop ang 5th Floor.
Pumasok siya sa loob at agad na pinindot ang 6th Floor . Pero may pumasok na isa pang babae na hindi niya kilala at pumwesto ito sa bandang likod niya.
Hindi siya binati nito at maging siya ay hindi na din bumati dahil sa pakiramdam niya kanina pa.
*Ting* bumukas ang elevator at sumalubong sa kanya ang madilim na paligid, kumunot nang bahagya ang kanyang noo at tinignan ang itaas ng elevator, duon niya lamang nakita na huminto pala ito sa 5th Floor.
Lumakas ang kabog ng dibdib niya sa hindi malamang dahilan, at mas lalo pa itong nadagdagan nang makita ang isang bata na papatakbo sa kinaroroonan niya , mabilis niyang pinindot ang closed button ng elevator para magsara. At nagsara naman ito agad . Pakiramdam niya ay mawawala siya sa ulirat dahil ang sabi-sabi pala na naririnig niya ay totoo , tumulo ang pawis niya sa kanyang noo dahil sa kaba.
"Bakit mo sinara ang elevator, papasok ang bata" sambit nang babae na kasama niya duon. Malalim ang boses nito na parang may pinagdadaanan.
"Kilala ko ang batang yun, namatay yun kanina , s-sa room 190"
"Paano mo nalaman?"
"Nakita mo ba yung pulang tag sa paa niya? I-ibig sabihin nun p-patay na" sagot niyang muli.
Sumagot ang babae at nagulat ang Doctor sa sinabi nito
"Ahhh, katulad ba nitong nasa paa ko?"
THE END
A.N: Hi Guys :) here's my new one shot story! Hihihi so Horror naman siya :) hope you enjoy it! . Please Read it and support me :) may mga gagawin pa akong ilan para naman may mga bago akong labas na story. So ito po muna ! SALAMAT!…
BINABASA MO ANG
5th FLOOR (Short Horror Story)
HorrorMarami nang kwentong narinig si Dr.Manuel tungkol sa 5th Floor ng Hospital na kanyang pinapasukan. Pero hindi siya naniniwala dito. Hindi naman kase siya ang tipo ng tao na naniniwala agad sa mga bagay-bagay na hindi niya pa nararanasan o nakikita.