Hangin

35 4 0
                                    

Ang sayang mabuhay! Lalo na kung madami kang kaibigan at may pamilya kang nagmamahal at nag-aaruga sa iyo. Pero kabaliktaran ang sa akin.

Ako nga pala si Mara Antonio. Labin pitong taong gulang at kasalukuyang nag-aaral.

Nandito ako sa aming paaralan. As usual, walang pumapansin sa akin. Isa akong outcast. Parang isang hangin lang. Hindi napapansin pag walang kailangan. Walang kaibigan.

Ngunit ang ikinakatuwa ko dito sa paaralan namin ay ang mga guro. Mababait sila sa akin. Dahil sa isa akong dakilang grade conscious.
Paborito ako ng mga guro. Laging inuutusan. Hindi ako nagrereklamo dahil gusto ko naman ang ginagawa ko.

Uwian na. Agad akong tumayo dahil excited akong umuwi. Tinawag ko ang isa sa mga kaklase ko dahil nahulog ang wallet niya. Pero hindi niya ako pinansin kaya hindi ko na siya tinawag pa. Hinayaan ko na lang ang wallet niya sa sahig. Hindi ko na kasalanan iyon.

Binati ko ang guro namin. Pero patuloy lang siya sa pagsusulat ng lesson plan.

Bakit kaya? Dati-rati naman ay pinapansin niya ako? Marahil ay masyado siyang busy.

Naglalakad lang ako pauwi. Nakita ko si Manong Nestor. Busy siya sa pagtitinda ng ice cream.

Binati ko siya pero hindi yata ako narinig. Madami siyang costumer ngayon ah!

Napaisip ako. Bakit kaya? Alam ko na! Birthday ko na bukas. Marahil ay may surpresa sila.

Lakad lang ako ng lakad. Hanggang sa makarating ako sa may eskinita papasok sa amin bahay.

Ang ingay naman! Ngayon lang to ah?

Nakita ko sina Dodong at Bentong. Masayang naglalaro. Napatingin sila sa akin pero agad ding inalis ang tingin at ipinagpatuloy ang paglalaro.

Bakit may Tent? Ano to? Mga bulaklak? Teka? May namatay na naman sa amin? Tsk. Talaga naman oh!

Pumasok ako sa loob ng bahay. Nakakagulat! May isang puting kahon na tumambad sa aking harapan at maraming magagandang bulaklak.
Sino ang namatay? Ang lolo ko kayang manginginom? Diyos ko! Huwag naman sana. Oh ang tatay kong may sakit sa puso? Diyos ko! Hindi pwede.

Agad akong humakbang paharap. Sinilip ko kung sino ang namatay na kamag-anak. Tumulo ang luha ko. Sunod sunod ang pag-iyak na ginawa ko. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita!

Ako? Ako ang namatay? Pero bakit?

Tumingin ako sa aking ina.
Humahagulgol.

"Mara anak! Bakit? Bakit mo piniling iligtas ang ibang tao kaysa sa sarili mo? Anak ko! Bakit mo kami iniwan?"

Doon pumasok ang isang malabong ala-ala. Patay na ako.
Dahil nabangga ako.

Kaya pala.

Kaya pala.. Kung ituring nila ako ay parang.. Hangin.

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon