Ka-ibigan

46 2 0
                                    

Matalik na magkaibigan sina Joshua at Joy. Mula elementary hanggang college ay lagi na silang magkasama. Napagkakamalan pa ngang magsyota sila.

Si Joy ay maganda at sikat sa paaralan ngunit sa kabila ng kasikatan ay may isang mabuting puso siya.

Si Joshua naman ay mayabang, ngunit mapagkakatiwalaan. Maangas ngunit mabait. Basagulero ngunit maamo sa harap ng bestfriend niya.

Isang araw masaya silang nag-uusap sa ilalim ng puno ng mangga sa likod ng kanilang building.

"Joshua, alam mo ba ang bait nong transferee. Ang cute pa niya. Tapos katabi ko siya at ako ang unang nakausap niya."

"Talaga? Naku sabihin mo lang sa akin kung kakantiin ka niya, uupakan ko yon!"

"Yan ka na naman sa kaangasan mo. Mabait nga siya eh."

"Crush mo ba?"

"Hmm. Oo. Na love at first sight yata ako."

"Baka nakakalimutan mong 19 ka pa lang tayo Joy! Wag ka munang mag boyfriend ha?"

"Oo po kuya! Ayan ka na naman sa panenermon mo."

"Aba mabuti na yong sigurado no!"

"Ikaw ba Joshua, may crush ka ba?"

Natigilan ang binata. Ngumiti siya.

"Meron. Maganda siya. Mabait. Magaling kumanta."

"Wow! Parang ako ganun? Naku ipakilala mo ako sa kanya! Tiyak na magkakasundo kami."

Napangiti ang binata at sa isip niya, kung alam mo lang Joy.

"Kaso malabong mapansin ako ng gusto ko dahil may gusto na siyang iba."

"Naku. Sayang naman! Wag kang mag-alala magugustuhan ka non. Basta ba be yourself lang always."

Natapos sila sa pag-uusap at pumunta sa kani-kanilang klase.

Habang tumatagal ay mas nagiging close na si Joy at Kenneth. At nawawalan na ng oras si Joy kay Joshua.

One day nagkita sila sa library.

"Uy Joshua, sorry ha? Sinamahan ko kasi si Kenneth."

"Ayos lang, ano ka ba. Sige na Joy, may gagawin pa ako. See you around."

Tumango na lang ang dalaga at umalis na din.

Ilang buwan pa ang nagtagal ay nanligaw si Kenneth kay Joy.
Ngunit akala niya ay magiging masaya siya. Pero hindi. Dahil hindi na sila tulad ng dati ni Joshua. Namimiss na niya ang bestfriend niya.

At hindi nagtagal ay sinagot niya si Kenneth pero parang may kulang. Hanggang sa masalubong niya si Joshua. Kasama si Sophia. Ang muse ng buong campus. Sexy. Maganda. Mabait.

"Joshua, samahan mo naman ako. Sa library tayo." Sabi ni Joy.

"I'm sorry Joy, Sasamahan ko pa ang girlfriend ko sa clinic. Teka nasaan ba ang boyfriend mo?"

Sa isip ni Joy, girlfriend na niya si Sophia? Bakit hindi niya sinabi sa akin?

"Ah sige, wag na lang."
Yumuko siya at umalis.

Nagpunta ng library mag-isa. Hindi man sabihin ay nasasaktan si Joy. Dahil pakiramdam niya wala na siyang bestfriend.

Dalawang buwan na si Joy at Kenneth. Ganun din si Joshua at Sophia. At sa dalawang buwan na yon ay hindi na nag usap pa uli ang dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon