TEASER
"Ella nag run!"
"Huh?"
"Patingin!"
"Ang galing natin"
"Nai-notes mo ba 'yung codes?"
Mga salitang narinig ko sa mga kaklase ko ng sa wakas ay mapa run ko ang program na ginagawa namin.
"Ang galing mo Clarissa!" Sambit pa ni Kuya Daryl.
"Ayan, at least sa wakas may napala din ang pagpupuyat natin." Masayang sabi ni Ella, ang pinaka leader ng grupo.
Kasalukuyan kaming nasa bahay ng isa pa naming kagrupong si Millet, malawak kasi ang bahay nila, may internet connection kaya naman dito napagpasiyahan ng grupo na gawin ang Final Thesis namin.
"Mag-aalasais na ng Gabi, dito parin ba kayo makikitulog o uuwi na kayo?" Tanong ni Millet sa amin.
"Uuwi na ako dahil bilin sa akin ng Tatay ko na umuwi ako kaagad pag natapos ko na 'yung thesis natin." Sambit ko sa kanila.
Lima kami sa grupo. Ako, si Ella, si Millet, si Daryl at Carlo na ngayon ay nakatutok sa cellphone.
"Oy Carlo! Ikaw? Kailan ka uuwi?" Baling sa kanya ni Millet.
"Bukas na para naman makapag pahinga pa ako dito sa inyo."
Napabaling silang lahat sa akin. Mukhang lahat sila ay gusto pang mag palipas ng Gabi pero ako, gusto ko ng umuwi dahil gusto ko ng ibalita sa mga magulang ko ang nagawa ko.
"Okay lang ako, kaya ko namang umuwi mag-isa." Nakangiti kong sabi sa kanila.
Pinigilan nila ako pero buo na ang desisyon kong umuwi.
Kasalukuyan na akong naglalakad ngayon sa sakayan. Mag a-alas-otso narin ng Gabi ng tignan ko ang orasan ko sa pulsuhan. Nakikain pa kasi ako sa kanila at kaunting kwentuhan bago ako umalis ito tuloy ang napala ko.
Napatigil ako sa paglalakad ng mapansin kong hindi pamilyar ang lugar na nilalakaran ko. Ang alam ko kasi dapat madaaanan ko ang mga dikit-dikit na bahay pero sa lugar ko ngayon; may mga puno, may talahib at habang tumatagal ay palayo na ng palayo ang mga agwat ng bahay hindi katulad sa nasa isip ko. Naliligaw ba ako?
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Baka kasi hindi ko 'to napansin no'ng papunta kami dito. Ah, oo! Natutulog kasi ako no'n. Squatter area itong lugar nila Millet kaya naman paniguradong maya-maya lang din ay makakakita na ako ng taong pwede kong pagtanungan.
Hindi nga ako nagkamali, hindi rin nagtagal at nakakita ako ng bahay. Napansin ko kaagad ang isang lalaking naka-upo sa sementong upuan.
"Kuya," Tawag atensyon ko sa kanya.
Natigilan ako ng magtama ang paningin namin. Mabilis ding kumabog ang dibdib ko ng tumayo siya. Iba ang pakiramdam ko at sa bawat paghakbang niya palapit sa akin ay siya namang pagtuyo't ng lalamunan ko. Saktong makita ko ang ngisi niya sa labi ay siya ng pagkaripas ng takbo ko.
Tumakbo ako ng tumakbo. Rinig ko ang bawat yabag niya. Gusto kong humingi ng tulong pero para saan pa gayong papunta na ako sa madilim na gubat at hindi ko alam kung saan at ano ang dulo nito. Basta tumakbo lang ako ng tumakbo. Hindi ko alam na may ganito palang lugar.
"Agh!" Daing ko ng mapatid ako ng sanga nang puno.
Tumalsik ang bag ko sa 'di kalayuan, balak ko pa sana 'yong kunin ng marinig ko ang mga yabag na papalapit sa kinaroroonan ko.
Sumiksik ako sa may kakapalang puno para magtago. Sobrang bilis ng tibok nang puso ko kasabay ng hingal ko dahil sa pagtakbo ko. Nakagat ko ang dila ko ng mas marinig ko pa ng malapitan ang yabag na 'yon.
Napapikit ako ng marinig ko ang pagbukas ng zipper nang bag ko. At sa ilang minutong lumipas unti-unti ko ring narinig ang papalayong yabag na 'yon. Siya ring pagkalma ko sa sarili. Kinapa ko ang bulsa ko at doon ko napagtanto na nasa bag ko pala ang cellphone at pitaka ko. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ko napagpasiyahang umalis sa pinagtataguan ko.
Nang maramdaman kong ligtas na ang lugar ay saka ako naglakad palayo. Sa bawat paghakbang ko ay siya namang pagsakit ng mga sakong ko sa paa. Mukhang magkakapaltos pa ata ako. Nabuhayan ako ng loob ng makita ko ang labasan ng gubat na 'to. Natanaw ko rin ang hindi gano'ng kalakihang Play ground. Naglakad ako palapit at umupo sa duyan. Nag-iisip ako kung paano ako uuwi. Hindi ko alam kung nasaan ako dahil unang beses ko palang na dumayo sa lugar na 'to. Ang sabi ni Millet, mga magnanakaw lang ang kalaban nila dito. Naisip ko ang lalaki, siguro napag interesan niya ang bag ko. Hindi naman siya nakakatakot, mukha lang siyang tambay sa kanto.
Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko namalayan na may lumapit na pala sa akin. Lilingunin ko sana 'to ng bigla siyang magsalita.
"Hello baby" sabay tapon ng bagay sa harapan ko.
Do'n ko napagtanto na bag ko 'yon. At kung bag ko 'yon ibig sabihin...
Bago pa ako makakilos mabilis kong naramdaman ang malamig na bagay na pumulupot sa aking leeg. Naramdaman ko pa ang pagsayad ng likod ko sa sahig. Napatingin ako sa kalangangitang tuluyan ng nilamon ng dilim. Do'n humarang sa paningin ko ang isang mukha, mukha na mababakasan ng nakakalokong ngisi sa labi.
Unti-unting lumabo ang aking paningin hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
_________________________________
Copyright ©2017
by: ImRemus15
All Rights Reserved
BINABASA MO ANG
CLARISSA
Mystery / Thriller"Kahit anong gawin kong paglayo, pagtakbo, at paglakad. Sa lugar na pa rin ako na 'to dinadala ng aking mga paa. Ano bang mayro'n at bakit hindi ko magawang takasan ang lugar na ito? Hanggang kailan ako mananatili dito?" -Clarissa Copy Right ©2017 b...