STORY

22 0 0
                                    

The Story


Naranasan niyo na bang mapag-isa sa lugar kung saan wala kang maka-usap, wala kang kakilala, wala kang ibang magawa kundi ang maupo at pagmasdan ang paligid. Ako naranasan ko na, at hanggang ngayon patuloy ko 'yung nararanasan.

Gaano nga ba kalungkot mamuhay ng nag-iisa? Mahirap.

Hindi ko alam kung nasaan ako, wala akong makitang kakilala ko. Hindi ko alam kung bakit sa bawat paghakbang ko ay siya ring pagbalik ko sa lugar na kung nasaan ako. Na sa bawat paglayo ko ay siya ring paghatak sa akin ng lugar na pilit kong tinatakasan.

Sino ba ako? Bakit ako nandito sa lugar na 'to? Hindi ko alam. Sa bawat araw na lumipas patuloy kong tinatanong kung kailan ako makakaalis sa lugar na kinasasadlakan ko. Bakit ganito?

Hanggang sa isang araw...


Kasalukuyan akong nakatungo ay may lumapit sa aking matandang babae. Bakas sa mukha niya ang kalungkutan at pag-aalala.

"Ineng bakit nandito ka pa?" Tanong niya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng takot sa tanong niya.

'Yan din ang tanong ko sa aking sarili, kung bakit nandito parin ako at hindi ko magawang makaalis sa lugar na 'to.

"May gusto ka bang sabihin?" Pang-aalo pa niya sa akin.

Tanging pag-iling ang naisagot ko.

"Kung gayon bakit nandito ka parin? Bakit hindi kana umalis?" Mga katanungan niya sa akin.

"Hindi po kita maintindihan" Tanging nasambit ko.

Do'n ko nakita ang pagtataka sa mukha niya.

"Hindi mo parin ba alam?"

Naguluhan ako sa tanong niya. Anong hindi ko pa alam? Ano bang dapat kong malaman?

"Sumama ka sa akin." Matatag na sabi niya. At gaya ng sinabi niya, sumama din ako.


Sa unang pagkakataon ay nagawa kong maka-alis sa lugar na pilit kong tinatakbuhan. Napalingon pa ako ng unti-unting nakakalayo ako sa lugar, napatingin ako sa duyan at do'n may biglang imaheng pumasok sa isip ko. Mabilis kong niyugyog ang ulo ko at nagpokus na lamang sa paglalakad.

Nakarating kami sa may mga mataong lugar. Pumasok kami sa iba't-ibang eskinita, sumakay sa iba't-ibang transportasyon at ngayon ay kasalukuyan kaming nakatayo sa tapat ng bahay na kung saan ay may nakapaskil na malaking tarpulin sa tabi ng bahay.

Napalingon ako sa may edad na babaeng kasama ko. Napansin kong diretso lang ang tingin niya sa bahay. Napansin ko rin na binalingan niya nag tingin ang tarpaulin napansin ko matapos no'n ay nilingon niya ako. Napilitan tuloy akong tignan ang tinitignan niya.

Sa bawat letrang nabasa ko ay siyang panghihina ko. Natigilan ako ng mabuo ko ng basahin ang pangang nakapaskil; Clarissa ng iangat ko ang tingin para makita ko ang larawan ay natigilan ako. Mabilis akong napalingon sa katabi ko. Pagyuko lang ang ginawa niya. Nang ibalik ko ang tingin sa larawan ay siya namang panghihina ko. Unti-unti kong naramdaman ang pag-ngilid ng luha sa mga mata ko. Napansin kong may ginang na lumapit sa tarpulin at do'n ay niyakap ang nasa larawan. Kitang-kita ko kung paanong tumulo ang butil ng luha sa mga mata niya.

Hindi ko na kaya ang mga nasaksihan ko kaya naman tumakbo ako palayo. Tumakbo ako ng tumakbo. At sa pagtakbong kong 'yon ay siya namang pagpapakita sa akin ng mga magugulong eksena.

CLARISSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon