Dahan

10 2 1
                                    

Hanggang ngayon di ko parin tanggap. Ang kinahantungan ng ating pagiibigan. Sobrang sakit. Napakaraming katanungan ang naglalaro sa aking isip. Bakit. Paano. Ano. Sino. Saan.

Bakit  bakit mo ko iniwan?
Paano paano tayo humantong sa ganito?
Ano anong nangyari satin?
Sino sino ang dahilan ng paglisan mo?
Saan saan ako nagkulang?

"Beb Sorry na..."
"Beb I love You...te amo...saranghae....volim te...mahal kita...sobra."
"Beb shh tahan na andito lang ako"
"Naiintindihan kita"
"Gutom ka na naman? Hays nako kung di lang kita mahal"
"Papunta na ko dyan sainyo...dala ko mga paborito mo"
"Happy Monthsary Agapi Mou"
"Ang ganda ganda mo talaga"
"Nandito lang ako lagi para sayo"
"Di kita iiwan...shh tahan na"

Mga linyang palagi kong naririnig dati...mga linyang nagpapatibok ng puso ko...mga linyang mas nagpalalim ng pagmamahal ko sayo...Mahal...Hindi ko akalaing hindi ko na muling maririnig ang mga linyang yan..mamimiss ko lahat...lahat..

Mga yakap at halik mo...mga kakulitan mo...mga tawa at ngiti mo..

Mga yakap mo tuwing nalulungkot at nalulumbay ako

Mga halik mo sa tuwing naglalambing ako

Mga kakulitan mo kapag nangiinis ka

Mga tawa at ngiti mo sa tuwing naghaharutan tayo

Mga titig mo na sobrang sarap sa pakiramdam

Ang napakagwapo mong mukha na kaysarap titigan

Nakasimangot o nakangiti ka man

Mahal...wala na ba talaga? Hindi na ba talaga maaring ibalik

Mahal...miss na miss na kita...sobra

Paano na ko? Nasanay na ko na lagi kang nandyan

Paano na ko? Nahulog na ko ng sobra sayo

Minahal na kita ng sobra...ang hirap mong bitawan

Wala na akong ibang masabi kundi...miss na miss na miss na kita mahal

Beb i miss you... :(

"Tama na. Itigil na natin to"
"Ayoko na"
"Mahal na mahal kita pero tama na"
"Ayokong makita kang malungkot"
"Mahal kita beb..sobra, pero hindi ko na kaya"
"Hanggang dito na lang tayo"
"Pagod na tayo pareho"

Tanda ko pa bawat linyang binitawan mo nung gabing iniwan mo ko...nakatatak parin sa puso ko bawat mabibigat at masasakit na salitang iniwan mo sakin...mahal dalawang buwan na ang nakakalipas pero ikaw parin...mahal ikaw parin...

Mukhang okay ka naman na...masaya ka na yata...hahayaan na lang kita..pero hanggang ngayon masakit parin..

Hanggang kailan ba?...hanggang kailan ko dadalhin tong masakit na pakiramdam na to?

I want you to stay...but it seems like youve already let go...i cant do anything about that anymore

Bakit mo ko iniwan?

Bakit ka napagod agad?

Akala ko ba palagi kang nandyan?

Anong nangyari satin?

Mahal naalala mo pa ba?
Nung unang beses na ikay nakita?
Di mapigilang mapangiti sa tuwing aking naalala
Kung paanong titigan ko ang iyong gwapong mukha

Naalala ko pa ang kilig na aking nadama
Nung ikay aking silayan ay nakatitig ka na pala
Kung paanong labis na tuwa ang naramdaman ko ng tingnan kang muli at akoy tama

Naalala mo pa ba? Nung una mo akong kinausap
Tila hindi ako makatingin at hindi makakurap
Hiya at kilig ang aking naramdam at ang aking paghinga ay hirap

Naging magkaibigan tayo at ikaw ang aking naging sandalan
Tuwing may problema ay ikaw ang tinatawagan
Di naman nagkamali dahil ikay palaging nandyan

Hanggang sa ikay nagtapat ng pagibig
Di ko mapigilan ang aking kilig
Dahil ganon din ang nararamdaman ko
Bigla tuloy akong napainom ng tubig

Hanggang sa maging tayo na nga
Nagkaroon na ng ikaw at ako kakaiba na nga
Labis na saya at kilig lang ang nararamdaman
Masaya ako sa piling mo walang duda

Sa tuwing aking kinukwento sa aking mga kaibigan
Kung paano mo ko ibigin at alagaan
Hindi nawawala ang kisap sa aking mga mata na di mapapantayan
Mga ngiti sa aking labi na hindi ko makalimutan

Masayang masaya ako sa piling mo
Mahal na mahal ko na ang isang tulad mo
Napakaswerte ko sayo

Akala ko ay okay na tayo
Hanggang sa dumating ang kinatatakutan ko
Napagod ka at nilisan ako

Hanggang ngayon ay nagtatanong parin ang puso ko
Mahal bakit iniwan mo ako?
Mahal diba ikay nangako na di ka aalis sa tabi ko?
Bakit tila nakalimutan mo ang lahat ng sinabi mo?

Mahal paalam na dahil bibitaw na ko
Kahit masakit at mahirap pipilitin ko dahil kailangan kong sumabay sa agos mo
Masaya ka na at hindi ko na guguluhin pa..

Dahan dahan kong bibitawan ang puso mo....
Dahan dahan akong bibitaw sa mga alaala mo..
Dahan dahan kong kalilimutan ang "Tayo"

Oo hanggang ngayon umaasa parin akong maibabalik pa ang ikaw at ako pero panahon na nga siguro

Kailangan ko ng limutin ka...salamat dahil ang magmahal ay sakin mong tinuro

Paalam dahil hanggang dito na lang siguro...magagawa ko to...makakalimutan ko din ang mga alaala mo..masasanay din ako sa pakiramdam na wala ka..dahan dahan na kong bibitaw kaya sana ay masaya ka

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 26, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DahanWhere stories live. Discover now