Prologue

62 2 0
                                    


Prologue:

"Kiss na yan!!!" paulit-ulit na sigaw ng mga tao dito sa wedding booth.

Gusto ko sanang sumali sa kanila sa katuwaan nila pero masakit eh... Ang nasa stage kasi na Groom at Bride ay yung crush ko kasama ang bestfriend ko. Di ba nila alam na masakit alam naman nila na nagustuhan ko si Cyrille eh 😞 At masakit na isipin na ang bestfriend kong si Zera na sinabihan ko ng tinatago kong nararamdan kay Cyrille ay kaparehas ng nararamdaman nya sa lalaking gusto ko. Pero ang di ko alam e yung oras na sinabihan ko si Zera ng feeling ko para kay Cyrille, nililigawan na pala sya nito.

Makikisali paba ako sa love story nila? Eh gusto naman nila ang isat-isa kaya sobrang nasaktan ako ng malaman kong naging sila kaya naman lumiban ako sa klase ng buong linggo. Ng pumasok naman ako pagkatapos ng pagkulong ko sa kwarto dahil sa pagdradrama ko. Nung pumasok naman ako ang bigat ng atmosphere pagkasama ko silang dalawa pero umarte ako na wala lang yun sakin at umaktong normal tulad ng dati.

At ngayon kasama ko sila pumanta dito sa wedding booth, alam kong napaka-tanga ko pero gusto ko nang mag move on kaya sinasanay ko ang sarili ko na makita silang ganyan.

Paano Ma-Inlove Ang TangaWhere stories live. Discover now