PBB, PGT, The voice at iba pa.
Mga variety shows na gusto ko salihan. At ito nga nagkaroon ulit ako ng isang chance para maexperience ang pagaaudtion.
April 15, 2014 6:08 AM
Napakadaming tao. Hindi ko alam kung ilan pero nasa 10,000 mahigit yon. Audition ngayon ng Pinoy Big Brother All in (Season 5). Pangalawang audition ko na to sa isang variety show. ‘Yong una, Pilipinas Got Talent , hindi ko matandaan kung anong season, pero nong December 02, 2012 yon (Dancing pinakita kong talent non kaya lang di po ako nakuha). Grabe mga desperada, desperado (kasama ako)din talaga kasi sa dami ng tao aabutin ng siyam siyam bago matapos ang audition na ito. Hindi kasi ganito nong nagaudition ako s PGT mabilis lang. Siguro dahil sa probinsiya yon. Iniisip ko din since may pasok pa karamihan, ilan kaya ang umabsent sa mga trabaho nila para lang makapagaudition. Ako? Wala akong trabaho ngayon, naghahanap pa lang.
Sinundan ko lang yong mga tao, naghahanap ng pila. Ang pagkakatanda ko edad 15-30 lang ang pwedeng sumali pero may nakita akong mas higit sa edad na yon.
“Sabi ko magdala siya ng ballpen” sabi ng medyo matandang babae na nadaanan ko.
Mga magulang siguro sila.
Madami akong nakitang nakaitim na lalaki. Mga event security, pero may mga nakauniform din ng pang guard talaga. May nakita na akong pila. Sinundan ko lang yon. Grabe ang layo mula sa entrance ng Araneta. Isipin niyo pa na iyong pila na yon paikot-ikot pa.
“pagilid lang po daanan po dyan” sabi ng security guard.
Habang nasa pila may matandang babae na namamalimos. Hindi lang sya basta basta namamalimos ha kasi talagang sinasabi pa niya yong halaga ng hinihingi nya.
“Limang peso lang po. Namatay po ang asawa ko. May sakit po ako sa bato” yon yong paulit-ulit niyang sinabi. Kung kanina pa siya tas magbibigay ang bawat pumila ng 5pesos (5x10,000) … May 50,000 na sya!! Pero syemprre hindi ganon yon.
Madaming nagbigay ng limos. Hindi ko lang sigurado kung tig limang piso nga yong binigay nila. Hindi ako nagbigay. Hindi naman sa hindi ako naawa, maawain akong tao kaya lang pakiramdam ko hindi totoo yong mga sinasabi nya at iniisip ko pa hawak sya ng isang sindikato. Gusto ko sana sabihin “Nay, may tinapay ako dito” tapos ibibigay ko na lang. Naalala ko tuloy noong nasa Pasay kami, may mga bata namamalimos. Binigyan ko sila ng isang mansanas. Kinuha naman ng bata kaya lang pagsakay namin sa jeep tinapon nong bata yong mansanas. Yong feeling na yong pinambili mo don sa mansanas pinaghirapan mo tapos itatapon lang ng taong pinagmamalasakitan mo, nakakalungkot lang. Naalala ko din nong nagpunta ako ng Singapore para maghanap ng trabaho, Yong mga matatanda gaya nong namamalimos nagtatrabaho pa rin. Sa airport nagtutulak ng trolley tapos sa mga groceries may nagoofer ng free tatste at ang pinakamalala sa nakita ko sa isang kainan. Yong matanda nakayuko na talaga habang naglalakad habang hawak hawak yong tray na pinbaglagyan ng pinagkainan, tapos babalik ulit maglilinis ng mesa at aalisin ulit yong mga ginamit ng mga costumers.
Balik na tayo sa audition madami na akong naalala e.
Habang nasa linya pa rin, may isang lalaking nagbebenta ng ballpen. Kailangan talaga ng ballpen kasi may ififillup na form. Mga pinoy talaga madiskarte.
‘Yong isang event security sumisigaw na 10,000 lang daw ang papapasukin.
Ito may isang lalaki ulit nagbebenta namn ng tubig. Sa haba ng pila mapapainom ka talga kasi mainit-init na ang panahon. Buti na lang may baon ako, bumili na ako sa 7/11 bago ako pumunta dito.
6:17 ang init na. Konting lakad sa pila, may nagbebenta naman ng pamaypay. Sabi ko nga po, mainit na kaya kakailanganin mo rin ng pamaypay. May matandang babae naman sa side ko nagbebenta ng ballpen at candy (mentos). Sabi pa niya “Kailangan niyo yan”. Totoo naman. 5 piso apat na piraso. Yong lalaki sa likod ng linya bumili.