Chineck mga bags namin. Pati yong lemon ko kinuha din :(
Si kuya guard nagtanong ng talent sa mga nakapila sa likod ko. Kulit din nila ha sa totoo lang.
May grupo kumakanta ng pbb theme song habang kinukuhanan ng video ng isang staff ng abs cbn.
“may ¾ pa, ¼ pa lang nakakapasok” sabi ng guard sa harap ko.
Yong staff pinapakanta ulit mga contestant.
“o ayan o kakanta na sya, lights camera action” sabi ng ibang guard don sa may likuran ko.
May kumakanta ulit.
“direct hire” security
“tapos hanggang diyan na lang o” yong guard tinutukoy yong pila sabay tawa.
Nag-uusap ulit yong mga guards at mga babae sa may harap ng pintuan. “babae ba yan?” pinaguusapan na naman nila si lady floral (yong sinasabi kong mukhang babae pero parang hindi). Kinukuhanan kasi sya ng picture (video?) ng camera man.
Nakilala o si Anne at Angel katabi ko lang sa pila. Tumawag si angel sa tita nya, pinahiram ko muna cp ko sa kanya. Si cute girl with pink hair and flowers , iniinterview. Nakakatawag pansin kasi talaga siya.
Confirmed na. Si lady foral d daw babae. According to Anne.
9:02 nasa entrance pa rin ng Araneta, di pa nagpapapasok.
Nasa harap na si Angel pero nauna ako sa kanya haha. Ang kulit nito. Nakikipagkuwentuhan sya sa ibang contestant at sa mga event securities. 16 y.o. lang sya may hawig kay Dianne Medina.
9:10 nagstart na akong magfill up ng form nakakabagot kasi pero tinigil ko din ang hirap magsulat ng nakatayo e. Ang sakit ng pa ng likod at balikat ko dahil mabigat yong bag ko. Tas lumalamig na ung hangin na galing sa loob ng araneta.
9:21 no movement nakatayo pa rin.
Pag tingin ko sa likod nakaupo na pala lahat ng nakapila. Kumakain, nagsusulat, nag-uusap. Biglang sabi ng guard magpapapasok na daw sila. Nagsitayuan na.
“san galing yan? May number” “upo muna ulit kayo” sabi ng guard. May pumasok pa ulit kasi bago kami may mga numbers na pala sila.
9:27 “pakiready ang ticket” sigaw na ng guard.
Sa may pintuan naman yong isang contestant inabutan ng 500 ng mother nya. Pambili yon for sure n pagkain sa loobJ
“inabutan ng mommy” narinig kong sabi ng guard.
Pagkakita ko sa loob, yong mga nasa harap at likod ng pila ko paakyat na. How come? Naiwan ako, pero papasok na rin kami.
9:30 may Number na ako.
Habang nasa pila nasilip ko sa loob mismo ng dome kung nasaan mga naunang contestant, grabe andaming tao. Parang championship game lang, tas ginebra pa. haha
Pumasok na kami sa dome, di na namin alam san uupo tas lumabas ulit kami. Ewan ko ba bat lumabas ulit kami.
Narinig ko nagsalita yong guy na nakauniform sabi nya “hindi ko to uniform, sinadya ko talaga magsout ng ganito.” May pinahabol pa sya “One word that describes me? STARVING” haha
Babalik na naman daw kami sa loob.
“series tayo di ba?” sabi nong head ata ng security sa kasamahan niya na medyo galit. Well mafefeel mo may tension na talaga. Medyo naawa ako sa isang guard ganito na lang nasabi nya “sir…..” tas sisingit yong head “sir….”
Sa pila ulit, tinawag 09236 na. 09237 ako. Sabi nong isa “o wag munang umalis” tas tinawag na ako ng guard. Pumasok na ulit kami.
Sa loob……