1

15 2 0
                                    

Casey's POV



Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Unti unti kong nasisilayan ang mukha ni Gab . Ang ultimate crush ko.
Palapit siya ng palapit sakin.
Napakalapit na niyaaaa.
Omg! Bigla akong nagulat ng naglaho na lang siya bigla.




Akala ko gising nako. Nananaginip palang pala ako. At pagmulat ng mata ko. Agad kong binatukan ang sanhi ng pagkaudlot ng aking napakagandang panaginip.






" Nakooo ! Ikaw talaga! Ang saya na ng panaginip ko eh. Malapit na! Konti na lang. Dika na naawa , katelyn! Kung hindi lang kita bestfriend."sabi ko sa kanya ng pabiro. Tawang tawa siya sa itsura kong nakabusangot na tumayo mula sa aking higaan.







" C- casey, b-ago mo a-ko s-ig-awan . Ay-usin m-o mu-na ya-ng sarili mo. S-ige ka! W-ala k-a ng p-agasa ka-y Ga-b. H-anggang p-anaginip k-a n-a -lang." Sabi niya ng pautal utal dahil sa katatawa. Aba tong babaeng to. Nagawa pakong tawanan. Napakalaking kasalanan kaya ng nagawa niya!







Pero nagulanta ako ng tignan ko ang mini clock na nasa mini table na nasa gilid ng kama ko. Late na ako! At hindi lang basta late na 5 minutes or what . Totally late! Eh kasi ang oras na ay 11:30 . Tinignan ko ang bestfriend kong hanggang ngayon humahagalpak padin ng tawa sa kama ko. Tinignan ko siya ng masama kaya tumigil din siya sa kakatawa. Sisigawan ko na sana siya ng bigla lang nagsalita.





" Eh kaya nga kita ginising kasi hindi ka nakapasok ng morning classes natin. Nagalala kaya ako sayo kaya kita pinuntahan dito. Buti nga at wala tayong last period ngayon kasi may meeting ang mga teachers" sabi niya .







Nako naman! Gab kasi eh. Sobrang pogi mo kasi. Ayan tuloy late nako at di kita nakita ng halos kalahating araw.






Dali dali akong pumasok sa banyo at naligo. Mahigit kalahating oras ng natapos akong maligo . 11:59 to be exact. Hahaha. Pero dipa ako nakapagpalit nun ha. Dipako nakapagayos ng buhok ko.





Pagkalabas ko ng banyo kanina. Wala na si katelyn sa kwarto ko. Siguro nasa kusina na yun. Lumalamon na yun panigurado. Hay nako. Makapagayos na nga lang at makapasok na.






Nagsuot lang ako ng mini short at crop top . Tapos inayos ko ang buhok ko ng messy bun. Tapos nagpulbo lang ako at lip tint. Gandang pulbo at lip tint lang. Hahaha. Maganda na kasi ako. Dina kailangan ng makeup. Wala pang 20 minutes ay nakapagayos nako.




Dali dali akong bumaba ng hagdan at nagtungo sa kusina. At hindi nga ako nagkamali. Nakita ko si katelyn na lumalamon. Chef kasi si papa kaya walang duda na masarap talaga siya magluto.






"Oh casey! Lika na kain na. Sarap talaga ng luto ni tito. Wag ka mahihiya ah" sabi niya ng nakangiti. Aba siya pa talaga nagsabi nun.





"Oh anak kain na at baka mahuli pa kayo sa klase" sabi ni papa





"Opo" sabi ko.




Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na rin kami kay papa na papasok na kami. Pagkaalis namin ng bahay ay pumara na kami ng taxi para makapunta sa school.






Pagkarating namin ng school ay tumatakbo ako kasi excited nakong makita si Gab. Pero habang tumatakbo ako may nakabangga sa akin. Nahulog ang dala kong libro . Pinulot ko ang mga ito at tinignan ko kung sino ang nakabangga sakin. Ikaw?!







.
.
.
.
.
A/N:
Sino kaya siya? Abangann. See you next update!
Vote♡Comment♡Shareee
Hearteu. Iloveyouguys.
First story ko po ito. Sana issuport niyo♡.Pasensya na po sa mga wrong grammars at typos.

"5254"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon