.....
Naglalakad siya saaking harapan habang ako lagi lamang sakanyang likuran habang kunwaring inaabot siya ng hindi niya nalalaman siguro kung may ibang makakakita man saaming dalawa mapagkakamalan nalamang akong tangang buntot na sunod ng sunod sakanya. Ngunit hindi naman niya siguro bibigyan ng dahilan pagka't halos ilang kanto lamang ang pagitan namin sakanila at hindi na iba sakanyang nagkakasabay kami tuwing pasukan at uwian ng klase
Hanggang sa makarating sa klase siya ulit ang nasa aking harapan habang ako naman hanggang likuran parin niya. Ganyan kada araw ang paulit ulit na nagaganap walang bago wala man lang ganap. Miski ngiti o saglit na pag lingon ay kanya pang pinagkakait hindi naman ako panget, maganda naman ako... kulang pa ba ang gandang taglay ko para maakit siyang lumingon saakin kahit na ilang segundo?
Ilang beses ba akong nakikiusap sa hangin na sana kahit isang segundo'y magtagpo man lamang ang mata niyang parang kilometro ang layo.
Feeling ko tuloy hindi ako nag-eexist sa mundo nito na isa lamang ako sa mga extra at never magiging bida sa takbo ng storya niya. Sa kaalamang hanggang doon lamang ako'y parang ang sakit nito'y paunti-unting gumuguhit sa murang puso kong ito.
Kami'y nasa ika-apat na baitang ng sekundarya at dalawang buwan na lamang ang bibilangin bago magsipagtapos ng highschool. At panghanggang ngayon naaalala ko pa na animo'y kahapon lang, kung paano akong mahumaling sa lalaking ni kailanma'y hindi nagabalang tapunan ako ng tingin.
Tatlong taon na ang nakalipas at second year hayskul kami nang mag transfer siya sa aming paaralan. Natatandaan ko pa kung paano tumahimik ang klase habang nagpapakilala siya sa harapan, marunong naman siyang ngumiti sa katunayan dun ako nabighani sa ngiti niyang alam kong hindi naman para saakin, sa mga mata niyang tila nakangiti din habang nakasilay sa babaeng nasa harap dahilan para maging tampulan sila ng tukso ng klase na minsay pinangarap ko'y sana ako nalang dahil hindi niya alam sa ngiti niyang yun hindi lang isang isda ang nabingwit niya nadamay akong hamak na talaba lamang na nananahimik sa ilalim ng aking sariling karagatan.
Mula nang mangyari yun alam ko na dun na mababago ang ikot ng mundo ko.
Dahil nasa harapan ko siya hindi maiiwasang makita ko ang mga bagay na ginagawa niya tulad ng mga doodles at mini artworks niya hindi maipagkakailang sa mala-anghel nitong mukha'y pinagpala pa siya ng mga kama'y na kayang lumikha ng di mapintasang sining pero sa bawat sining na yun laging may kinalaman kay bella, minsan pangalan niya pero kadalasang mukha nito ang nililikha niya gamit ang mga pahina ng kanyang kwaderno at ng kanyang ballpen. Feeling ko nga pati kwarto nito mukha lang ni bella ang sinisigaw... siya at siya lang. Ni minsan nga di ko nadinig na sabihin niyang "Hi Midorie!, Goodmorning Midorie, Kamusta Midorie" o kahit "Midorie pasuyo naman ng nalaglag kong ballpen" ngunit wala, wala akong nadinig na ganun dahil bago pa man ako magkusang pumulot naunahan nanaman niya ako. Minsan nga naisip ko kung ano bang nagawa kong kasalanan dito at di man niya ako pansinin pero kahit anong tanda ko'y wala talaga baka nga pangalan ko'y hindi pa niya ata alam.
Uwian na tulad ng nakagawian tatayo siya agad at dali-daling lalapit kay bella para mag yaya munang kumaen kay ate eva ng mga best seller niyang saucer breads tsaka ihahatid sa sakayan ng jeep. Alam ko na ang routine nila sa tatlong taon ba naman at ang routine ko nama'y hihintayin ko munang ihatid nito si bella at kung kelan pauwi na siya tsaka ako magsisimulang maglakad kadalasan siya nauuna ngunit minsan ako habang umaasa na kausapin o habulin man lang niya ako pero napangiti na lamang ako ng mapait bakit niya nga pala ako hahabulin eh ano ba ako sa buhay nito.
Nagdaan ang mga araw at gabi wala paring pag babago at apat na araw nalang din ang nabibilang at JS Prom nanaman may mga nag-aaya naman saakin bilang partner nila ngunit hindi ako maka oo dahil kahit papano nag aantay parin ako sa isa... sakanya, kahit na mas malabo pa sa malabong mata ng ating mga lolo't lola sa madaling salita 99.9% impossible pero dun parin ako kumapit sa .1% kumapit, who knows diba? malay mo mag bago ikot ng tadhana kahit ngayon lang actually di nga ako naka-attend ng junior prom dahil sa frustration ko sa buhay nagkalagnat ako nang araw ng prom alam kong malas ako pero sobra naman iyon sigurado naman akong wala akong balat sa puwet pero minsan pinagdududahan ko ang sarili ko na baka malas talaga ako inside. Akala nga ng bestfriend ko nagpatiwakal nalang ako nang gabing iyon kasi alam niya ang tinitibok ng bawat pulso ng katawan ko kundi si Andrei lamang at alam niyang parang isa lamang akong uri ng multo sa kanyang mumunting mundo at malas din kasi multo na nga ako sa mundo nito sarado pa ang third eye niya saklap beshie so anong ganap ko ayun nga-nga talaga.
Nakatulugan ko na nga lang ang pag i-stalk sa lahat ng kanyang social accounts mula twitter, facebook at instagram maswerte nga ako't hindi ata marunong mag private nang account itong bulag na to kundi wala ako, nga-nga talaga forevs at kahit na sabihing likod palang niya ulam na hindi parin ito sapat para matugunan ang pangangailangan ng hypothalamus ko
Hanggang sa magising ako nalang ako na parang iba ang aking pakiramdam at tila may mali ngunit pinag sawalang bahala ko na lamang kasi naalala ko, Oo nga pala dakilang feelingera pala talaga ako
-MissMadXHatter-