GENDER - 2
Criyp Pov
Hays! Sa wakas natapos ko na rin. Sigurado akong papatok nanaman ito sa mga readers. Hinilot ko muli ang sintido ng ulo ko... Di kalunay napatingin ako sa Wall clock na nakasabit sa ding-ding. Mag pa-5:30 na siguradung papatapos na'yung klase ni kurt..... Tsk! mangugulo na naman yun tungkol sa nangyari kanina.
Tumayo ako at naglakad patungo sa ref upang uminom ng tubig. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay naglakad-lakad ako patungo sa mini library nitong F-club. Ang mga librong naka lagay dito, ito'yung mga na-publish na naming mga libro.
Isa-isa ko silang hinawakan. Mga sampu na'yung na publish konang libro at lahat ng 'yun ay nabigyan ng parangal at tinangkilik ng mga individual na mambabasa. Simula no'ng bata pa ako, pinangarap ko na talagang maging sikat na writer kahit labag ito sa kalooban ni daddy. Tinuloy ko parin ito dahil dito ko lahat na-ilalabas ang lahat ng hinanakit ko. Di ko man masunod kong ano ang nilalaman nitong puso ko.. Kahit papa'noy malalabas ko parin ito sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga kuwento.
Napapatitig ako sa unang librong nagawa ko. Kinuha ko ito at tinitigan. Ito 'yung librong masasabi kong isa sa pinaka-sikat na libro sa bansa na hanggang ngayo'y sikat parin at tinatingkilik paring basahin ng mga mambabasa. Ito yung librong na naging steppingstone ko upang ituloy ang pasusulat. Ito yung dahilan kung bakit bumango ang pangalan ko sa industriya ng pagsusulat....
Napatigil ako sa pagtitig nito ng biglang may kumatok sa pinto... Hayyysss! Siguradong si kurt 'toh. Binalik ko muna sa kinalalagyan 'yung libro bago ako tumungo sa pinto upang ipagbukas ng pinto si mukong.Pagkatapos kong buksan yung pinto ay agad akong bumalik sa computer upang e-double check yung ginagawa kong kuwento. Habang si kurt nama'y dumiritso sa ref.... Tsk! Antakaw.
.
" Tol natapos muna ba yang ginagawa mong story?" Tanong nito habang umangat-ngat ng chichirya. Napalingon ako sa kanya sabay kuha ng isang piraso ng chichiryang kinakain niya." Oo dino-double check ko na lang. Para mapasa ko na'to bukas." Sagot ko sabay ngat-ngat din ng chichirya.
" Eh yung sa'yo natapos muna ba?" Tanong ko nang hindi lumilingon sa kanya, dahil naka sentro lang ang atensiyon ko sa ginagawa ko.
Narinig kong umupo siya sa bandang gilid ko. " Oo! natapos ko nadin, e-dodouble check ko na lang din, at baka bukas mapasa ko na... sabay ng sayo." Sagot nito. Binuksan niya yung computer na katabi nitong ginagamit kong computer. Actually nasa pito 'tong computer na nasa loob nitong f-club. Ang mga computer na'to, ito yung mga ginagamit namin sa paggawa ng kuwento, bali tigisa-isa kami. Ang aming f-club ay para'tong condominium.... Merong tv, cr, sala, refrigerator, chandelier at iba na makikita mo sa isang condo.
" Kailan pala balik nila zeus?" Tanong ko. Sina Zeus, Alexei, Brey, Noah at Zifania ay sila yung iba pa naming kasamahan dito sa club. Wala ngayon silang lima dahil may mahalaga silang pinuntahan. May isa kasi silang subject na nag conduct ng isang activity at kinan-duct ito sa davao.
BINABASA MO ANG
Gender
FantasySana naging normal na lang ako. Yung tipong malaya ko siyang mahalin na walang sekretong inililihim sa kanya. Kung naging normal sana ako, sana ngayon wala na akong prino-problema.... Pero wala eh! Kahit ano pa ang gawin ko. Kahit magdasal pa ako, k...