Kilala nyo ba siya ?
Yung totoong siya .
Yung taong nasasaktan na patuloy pa ding nagmamahal sa iba
Pagmamahal na gusto niyang maramdaman kahit minsan
Minsan na nyang naramdaman
Pero bigla ding nawala
Siya ay iisa
Iisang nagmamahal
Sa sarili niyang di na nya makilala
Di na makilala sa sobrang pagmamahal nya sa iba
Pag wala ng makakakita
Pati sarili nyang mga mata
Palagi na lang lumuluha
Ilong na laging sumisinghot
Bibig na laging humihikbi pero walang tunog .
At kamay na nanginginig sa takot mag-isa
Masaya sya sa paningin ng iba
Pero yun ang akala nila
Pinipilit nya lang maging masaya kahit durog durog na sya
Walang nakakaalam dahil ayaw nyang ipaalam
Na ang taong minsan nilang nakausap
Sobrang nasasaktan na
Gusto nyang malakas sa paningin ng iba
Kahit gabi gabi
Palagi na lang siyang lumuluha
Magulang niya ?
Ayun iniwan siya para sa iba
Kaibigan ?
Walang siyang totoong kaibigang masasandalan niya sa oras na nasasaktan siya o kaya pag minsan siya'y masaya
Ang sakit no ?
Lagi nyang naaalala ang minsang pamilya nya'y buo at masaya
Sa tuwing siya ay nag-iisa
Sobrang lungkot ang kanyang nadarama
Naisipan na nyang sumuko na lang bigla
Tapusin ang buhay sa isang iglap
Dahil pakiramdam niya pag ito'y kanyang ginawa
Mawawala ang sakit na kanyang nadarama
Pero naisip nya , wala mang nagmamahal sa kanya
Kundi sarili nya na lamang
Edi mamahalin na lang nya
Sarili nyang nag-iisa
Dahil walang magmamahal kundi siya
Pero alam mo ang sabi nya ?
Hindi masamang maging mahina
Ang masama ay hindi mo nilabanan ang kahinaan at sakit na iyong nadarama
Na nagpaalon ka na lang kung saan mapunta .