The Encounter

6 1 0
                                    

Naglalakad si Schneider pauwi galing sa kanyang trabaho ng masalubong niya ang isang pamilya kumpleto ito at masayang nagkukuwentuhan narinig niya pa ang bulung bulungan.
"Napakaperfect talaga nila. Sila ang masasabing tunay na masayang pamilya." Rinig niyang sabi ng isang ginang.
"Oo nga eh. Pero alam niyo ba na may bali balita rin na may kababalaghan daw na nangyayari sa bahay ng pamilyang yan." Salungat naman sa una niyang narinig.
Hindi na niya pinansin ang mga naririnig at naguloy tuloy na ng lakad pero dahil sa nakikinig siya kanina sa mga tao ay hindi niya napansin na bumunggo na pala siya sa kasalubong niyang babae. Anak ito ng pamilyang pinag uusapan ng mga tao.
Nakita niya ang pagbabago ng mga mata ng magandang dalaga naging kulay pula ito natakot man ngunit hindi niya ito ipinahalata bagkus ay humingi na lang siya ng tawad bumalik naman sa dati ang mga mata nito at ngumiti.

Sa unang pagkakataon ay hindi niya maintindihan ang kaniyang naramdaman nakita na lang niya ang sarili na nakatayo at nakatulala pagtingin nito sa likuran ay nakita niyang pumasok ito sa isang bahay napakaganda ng disenyo nito at mistulang bahay ng isang manika. Nagpatuloy na siya sa paglalakad at nakarating na sa kaniyang bahay.

Hatinggabi na ngunit binabagabag pa rin siya sa kaniyang nakita pero hindi mawala sa isip niya ang maamo nitong mukha at nakasisilaw na ngiti. Nakatulugan na niya ang ganoong pag iisip dahil na rin sa sobrang pagod at stress sa kaniyang trabaho.

****

Susubukan ko po ulit gumawa ng story sana po suportahan niyo kapag ito wala pa ring pumansin I'll stop trying na. Hehe

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DollHouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon