"Claire, sana napatawad mo na ako."
"Matagal na kitang pinatawad, John. Kamusta ka?" Nakangiting tugon ni Claire.
"Maayos naman, Claire. Sa katunayan ikakasal na kami ni Sarah."
Nagpatuloy ang kwentuhan ng dalawa. Tila di napapansin ang bawat yabag ng mga taong nasa paligid.
WELCOME MHS BATCH 2006! Isang napakalaking banner ang nasa gitna ng bulwagan.
"John! Pare!" Isang sigaw sa di kalayuan ang nagpahinto sa kanilang usapan.
"Kanina ka pa? Tara sa table natin."
"T-teka Troy, di mo ba aayain si Claire?" Tinuro niya ang kinalalagyan nito.
Bakas ang gulat sa mukha ni Troy. "John, patay na si Claire!"
☆☆☆☆☆
First time ko po magsulat ng ganto kaiksi. Ang hirap pala. 😂 Anyway, salamat po sa mga magbabasa! ❤

BINABASA MO ANG
100 WORDS: RUN
Krótkie OpowiadaniaKoleksyon ng mga kwentong isinulat sa loob lamang ng isang daang salita na may iba't-ibang tema. Credits to the owner/s of my cover photo.