A/N: Hi! sabi ko nga kagabi mag-uupdate ako... so ayan na. Kalurky aa... 6 am ako nagising para gumawa ng draft nito.. kaya ayan... sana mabasa niyo..
Happy reading!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A Guy's POV
Andito ako ngayon sa garden ng university. Tambay muna. 8:30 am pa naman kasi ang simula ng klase, atsaka sigurado naman na pagpapakilala ang unang gagawin. Ayoko nun. Kinakabahan na nga ako eh. Accountancy ang course ko, at freshaman palang ako. Tapos wala pa akong masyadong kakilala dito. -_-
Naglalaro ako ngayon ng Tekken sa PSP ko, tapos pinasak ko na din yung earphones sa tenga ko para mas ganahan akong maglaro. BOOM! Natalo ko yung kalaban. Ginamitan ko kasi ng combo ni Devil Jin. Ang galing ko talaga! Hahaha. Natalo ko nanaman yung record na nagawa ko nung isang araw.
8 am na. Medyo tinatamad na din akong maglaro, kaya naman naisipan ko na i-off na yung psp at tanggalin ang earphones sa tenga ko. Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo ko, pero laking gulat ko sa nasaksihan ko.
"Let's break up." Sabi nung babaeng maganda, matangkad at mukhang mayaman dun sa lalaki. Sinabi niya yung mga salitang yun na parang wala lang. Sayang. Maganda sana eh, kaso mukha namang playgirl. Tsk tsk.
"Bakit?... Sabihin mo nga sakin kung bakit?! Diba nangako tayo sa isa't isa na maghihiwalay lang tayo kung hindi na natin mahal ang isa't isa? Diba nagpromise ka na hindi ka makikipaghiwalay sa akin kung dahil lang din sa paghadlang ng family mo? Tell me Sabel, why are you doing this?" Pagkatapos sabihin yun nung lalaki, sinipa niya yung can na nasa harap niya. Mukhang seryoso talaga yung lalaki. Kawawa naman. "This is bullsh*t! Tell me Sabel, may iba na ba? Di mo na ba ako mahal?!"
"Walang iba Jake. Narealize ko nalang paggising ko nung isang araw... HINDI NA PALA KITA MAHAL." Feeling ko nanunuod ako ng movie habang nakatitig sa dalawang tao mula sa di kalayuan. Nakakagulat yung huling sinabi ng babae. Ang mas nakakagulat pa, she managed to say those words in a vey cold manner... and you wouldn't see anything in her eyes... her eyes were as cold as ice.
Teka, hindi ako chismoso aa... Kasalanan ko ba kung dito sila gumagawa ng eksena malapit sa akin?
Tumalikod na yung babae, at nag-umpisa nang maglakad. Yung lalaki naman, napaluhod nalang at umiyak. Siguro ganun nalang talaga katindi yung pagmamahal niya dun sa babae... Sabel ba yun?
Sinundan ko ng tingin yung babae... at tingin ko, hindi naman talaga playgirl yung babae. Nakita ko kasi siyang yumuko at nagpunas ng luha niya habang naglalakad. Bigla siyang huminto sa paglalakad at may kinausap na isang lalaki. Yung lalaking kinausap niya, hindi ko rin kilala, pero kamukha niya. Hindi sa nangingialam ako, pero tingin ko may rason yung babae kung bakit niya ginawa yun. At tingin ko, mabigat ang rason.
Nung medyo nagising na ako mula sa pag-iisip ko tungkol dun sa nangyari kanina, tinignan ko yung relo ko. Patay! 8:25 am na. 5 minutes nalang. Tumakbo na ako agad papunta sa first class ko. Buti nalang at kadarating lang din ng professor namin.
Nag-explain naman yung prof namin na hindi pa talaga ngayon magsisimula yung lesson proper namin. Tsaka ang gagawin lang daw namin ay ang ipakilala ang mga sarili namin. Ito na nga ba ang ayaw ko eh. -_-
Tumayo na ako. Ako na kasi ang magpapakilala.
"Hi guys. I'm Troy Lopez. 17 years old." Yun lang yung sinabi ko. Yun lang naman kasi ang kailangan nila malaman.
Umupo na ako. Pero nagulat ako nung tumingin ulit ako sa harap.
"Hi. I'm Ysabelle Montero. You can call me Ysa, but please... don't call me Sabel, i hate it. Oh, and by the way I'm 17 years old."
Si--Siya... Di ba siya yung babae kanina? Pareho pala kami ng course? At kaklase ko pa siya dito?!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: ayan... yan lang muna.. bukas na ulet yung iba. :D
VOTE. COMMENT. and be a FAN. ;D
BINABASA MO ANG
Holding On (ON-HOLD)
Dla nastolatków" I'll wait for you, even if it takes forever. I promise I'll keep on holding on." -Troy Lopez ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- A/N: Paminsan... naiisip ko...