What is Love?

12 0 0
                                    







Ano nga ba ang pagmamahal?




Simula ng makilala ko si Kirsten nag-iba ang mundo ko. Wala pa kaming 1 year na magkakilala and we're actually One month palang magkakilala pero tinamaan na ako sa kanya.


Iba siya eh.



Ako si Lei. 16 years old. At in love ako kay Kirsten. Si Kirsten ay isa sa pinaka sikat at pinakamagandang babae sa school na 'to. Nalaman niya lang ang existence ko ng makilala ko siya sa isang event ng school na parehas kaming volunteer.


Napaka-talino niya at kayang kaya niya ihandle ang mga task na ibinibigay sa kanya kaya hangang hanga ako sa kanya.



Isa pa ang kabaitan niya at ang bukas palad niyang pagtulong sa mga nangangailangan. Napaka-ayos ng pakikitungo niya sa tao.



Na love-at-first-sight agad ako.



Di ko aakalain na ganun nalang bigla mararamdaman ko. Siguro nga crush crush lang 'to pero iba eh.




"Hoy! Lei? Napatunganga ka? Laki ng problema ah? Mukhang pinagsakluban ng langit at lupa HAHAHAHAHA!" Tawa niya. Isa pa sa nagustuhan ko sa kanya ay ang pagiging masiyahin niya. Kahit madami siyang problemang kinakaharapan ay tumatawa pa din siya.


Napaka-positive niya at ayaw niyang madamay ang ibang tao sa masasakit na damdamin ng puso niya.



Break time namin ngayon. Nandito kami sa Canteen ngayon at nanahimik nalang siya bigla.


"Kisten? Ang putla mo ah?" Napansin ko sa kanya.


"Ah? W-wala 'to.." Sabi niya. Ngumiti siya at kinagat ang sandwich niya.



Pagka-galing naman namin sa canteen ay nagulat ako ng hilahin niya ako paakyat dun sa bagong building ng school hanggang umabot kami ng 4th floor. Andun kami sa dulo.




"Bakit tayo dito?" Tanong ko sa pagtataka.


"May sasabihin ako eh." Nakayuko lang siya.



"Sige ano yun?" Sabi ko naman.


"Ahmm ano kasi eh..." Inabot pa siya ng 10 minutes at nakayuko lang siya.






"Ahmm sige una na ako..." Paalam ko pero hinila niya ako.


"Wait lang! Aamin na ako!" Sabi niya nalang bigla.



"G-gusto mo ako?" Inangat niya ang tingin niya sakin at tumango.



"Kirsten..." Sabi ko.



"You don't have to like me too. Ah.. Ano eh. Kasi parang nabibigyan ako ng motibo kaya.." Niyakap ko siya ng mahigpit.



"Di ko na kailangan magpaalam. Liligawan kita.. Gusto din kita."



Yumakap na din siya.




Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap at tumingin sakin.


Bigla siyang nahimatay.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What is Love?Where stories live. Discover now