Lalalalalala~ Hey?

31 1 0
                                    

Chapter 1

Zhimuro121/N: Hi! Second story here ;) Kung hindi niyo pa nababasa ang Coincidence hehe pakibasa pag may time ^^. Tsaka yung OneShot story ko din. (Plug lang). So here it goes...

============================

***Monday

Alas singko palang ng umaga, nasa banyo na si Neria naliligo. At gaya ng datinh nakasanayan niya, nagsa-soundtrip siya sa loob ng banyo. SunghaJung Playlist yung palagi niyang pini-play. Napatigil siya nang may nakalimutan siya...

"Siomai! Lechugas talaga oh!" nakalimutan niya kasi tuwalya niya.

Hindi nalang muna niya inisip yun, nagpatuloy nalang siyang naligo. Madali naman siya natapos, nagiisip nalang siya kung paano siya makakalabas ng banyo.

Kinuha niya yung damit nasuot niya papuntang banyo, sinuot niya eto ulet at lumabas... Nakakatawa man pero nagpatuloy na siya sa kwarto niya.. At napabulong sa sarili, "Buti naman hindi pa gising sila Kuya.."

Wise din si Neria ano? Eh dapat ang, kailangan niya yan kasi mag-isa lang muna siya sa buhay ngayon.. Yung Kuya na sinabi niya kanina, yun yung nagmamay-ari ng boarding house na tinutuluyan niya ngayon.

Madaling nakapag-palit si Neria ng damit at sinimulan ng plantsahin ang uniporme niya. Kinuha niya yung pitaka niya at nilagay sa bag niya. Tinignan niya yung oras... "5:30 pa? Ang aga ko naman."

First time niya kasing magising ng maaga. Napaisip naman niyang maaga nalang pumunta sa school niya at doon nalang din kumain ng breakfast. Sinuot na niya ang uniporme niya, dinala yung bag niya, at lumabas sa kwarto niya. Pagkalabas naman niya ng bahay, kinuha niya ang sapatos niya sa gilid ng pintuan at sinuot eto.

Naglakad siya pansamantala papuntang kanto kasi wala pang ni  isang tricycle na dumaan. Hindi pa naman siya nakaabot sa kanto pero may huminto sa may side niyang tricycle, "Ang aga mo ngayon bata. Magandang umaga sayo".

Napalingon naman si Neria sa may driver at ngumiti, "Sa SIU po manong". At sumakay na sa tricycle.

Nakatingin lang si Neria sa daan nung papunta na sila sa school niya. Napansin nga niya na lahat ng driver ng tricycle na nasasalubong nila, kaibigan ng driver ng tricycle na sinasakyan niya. Napaisip siya, "Ang friendly naman ni Manong".

After ng 5 minutes, nakarating na din si Neria sa SIU. "Eto po bayad manong oh, salamat", at ngumiti siya sa driver at umalis.

Pumasok na siya ng gate, napatanaw siya sa quadrangle...

Nakakapanibago sa kanya makita ang quadrangle na walang masyadong estudyante na nagtatambay. Naglalakad na siya papuntang room at gaya ng iniisip niya, andoon nga si Krissa

"Oh? Ang aga natin ngayon ah?", salubong ni Krissa kay Neria. Kadalasan kasi, late tong si Neria.

Nilagay muna ni Neria yung bag niya sa armchair niya, kinuha ang pitaka at lumapit kay Krissa. "Oo nga eh, kakabad-trip yung mga binabasa kong Manga wala nang update.. Maghihintay na naman ako neto ng isang buwan.. Tss, tara nga kain tayo. Pampawala badvibes."

Napatingin naman si Krissa kay Neria, "Alam mo Ner- matuto ka ngang magsuklay hindi yung puro ka Manga diyan."

Nagtaka naman si Neria kaya tinali nalang niya yung buhok niya, "Hindi ka pa nasanay saken Kriss? Tara na nga, gutom na ako eh"

"Ewan ko sayo." yamot na sabi ni Krissa at umuna nang lumabas sa room nila. Sumunod naman si Neria kay Krissa at nagtungo na sila ng cafeteria.

One Different WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon