April 11
PhoneCall
Marky: Louise wag na natin tuloy yun Dare.. In the first place wala naman TAYO di ba? Ayoko na rin magkaroon ng tayo. Tigilan na natin to... Bye.
Last words ni Marky....
Di ko na alam ano gagawin ko.
Parang namanhid buong katawan ko.
Di ko nga alam kung kumakain pa ba ako.
Nawawala ata ako sa sarili ko..
di ko kaya to.
Di ko kakayanin
Paano na pangarap namin 2
si Ria ba dahilan?
April 17
"Nasan ako?.."
"bakit ako nandito?.."
"Si marky?.."
"4 days ka ng unconcious friend" sabi ni Mia.
Unconcious?
Dahil ba sa?....
Parang patay na ako.
Nawala na yun buong mundo ko....
Alam mo yun?
Basag na basag...
ako ba talaga to?...
Hindi ko na kilala sarili ko.
Kailangan ko na ba magbago?
Ano bang mali sakin?
Bat di ako kayang mahalin ng taong mahal ko ng sobra?
May mali sakin
May kailangan akong baguhin
Di ba dapat di ako naghahabol?
Di ba dapat di ko pinagsisiksikan ang sarili ko?
Di ba dapat hayaan ko yun mga taong lalayuan ako
Di ko kaya....
Kailangan ko ng magbago
Buburahin ko lahat ng alaala ng Nakaraan...
Magiging masaya ako...
3 years lang yun Louise
Walang kwenta yun lalaki.
[N E W L I F E]
Dineactivate ko na yun facebook, twitter, skype and tumblr account ko.
Sinira ko na din pala yun sim ko.
Tumira din muna pala ako kayna Tita
Summer naman.
Kailangan nga kalmutan ang nakaraan di ba?
Sa may 15 promise ko gagawa na ako ng accounts
Bibili na din ako ng sim.:)
Miss ko na mga matitino kong kaibigan
miss na kaya nila ako?
Ilang araw na akong walang communication sakanila
This is the worst summer ever
nawala lahat
opo opo magbabago na!!
April 25
Dapat 3 years and 1 month na kami.
Bilis ng panahon.
Hiniram ko muna phone ni Mama para makuha numbers ng mga friends ko.
Saka mag-isa lang ako dito sa Bahay
Walang magawa.
[1 missed call]
Oh sheeez -____-
Missed call!
Para kay mama to for sure.
Oh please sana tumawag ka ulit.
Patay ako kay mama niyan.
Ako na lang kaya tumawag?
Dialling:....
*Rings*
"Hello po?"
"Louise?!"
"Sino po sila? Bakit po kayo napatawag? Wala po kasi mama ko."
"Si Marky to."
"Ah."
"Sorry sa lahat"
"Wala na akong pakialam doon."
"Sorry talaga."
"sige!"
"Mahal ko lang talaga kasi si Ria"
"Ef"
"Wala na talaga chance para mabalik yun satin"
"Alam ko"
"At wala na din akong balak bumalik sa'yo eh"
"Oh ano gusto mo iparating?"
"wag ka na umasa"
"Wala na talaga akong dapat asahan."
"Sorry talaga. Sana okay ka na. Naconfine ka daw?"
"Pakialam mo?"
"Concerned lang."
"Alam mo kung concerned ka talaga di mo ako papabayaan in the first place"
"Wala na. Huli na lahat"
"Wala akong paki. Kung di naman dahil syo di ako magkakaganito"
"All I have to do is to say Sorry"
"Kahit magpakamatay ka sa harap ko, di kita mapapatawad."
"Kaya nga nagmmake up ako syo."
"I don't care."
"Sige na. Wag ka magagalit kay Ria ha."
"Both of you, go to hell."
"Louise."
"Oh bat ang bait mo ngayon?! Ano pinopoint mo Marky?! Bat tumatawag ka pa?! 25 pa ngayon. Bastos."
"Hayy. Kami na ni Ria, 25 din monthsary namin"
"Yhh ewan! Bye, Tssss!"
Siguro naman last phone call na yun di ba?
Nakakainis
anong point niya nun?!
Bat pa siya tumawag?!
Para pangalandakan na sila na?!
Ang bastos ha.
At 25 pa monthsary ng mga alagad ni Satanas.
Bastos talaga. Tsss
Concerned?!
Nakakainis ka
Kung legal lang pumatay...
Di ko kaya.:(
Andun pa din yun fact na mahal kita....
Tanga mo Louise!!!
Pinagmumukha ka na ngang Tanga....
Pinapatunayan mo pa.
kakalimutan na kita.
Lalo na sa ginawa mong to.
Kahit bumalik ka, di na ako papayag.
Kahit na alam kong mahal pa din kita.