Have you ever tried to love someone? And that someone was so far away from you? Will you do anything to see her? To be with her? Well.......try nga natin....
Part 1 : A Typical Day"HOY! GISING! PARA KANG PAGONG! ANG TAGAL MONG GUMISING!!"
The first voice I always hear every morning is mom's....sheesh, sermon na agad.
Ako nga pala si Archie, isang istudyante na palaging nakatutok sa computer at di masyadong kilala sa paaralan. Hindi sa choosy ako sa pagpili ng friends, hindi lang talaga ako sociable. Palaging na-oOP sa mga topic nila at di masyadong makasabay sa mga trending tulad ng ice bucket challenge at Pokémon Go.
*on my way to school ------->*
Di tulad nila, ako lang ang naglalakad na mag-isa. Minsan nakakainggit talaga sila. Yung mga magbabarkada, ka-gig sa Music Club at may mga magkasintahang nag-hoholding hands o sabay na tumatakbo.
Hindi sa nagseselos ako sa mga magkasintahan, parang gusto ko lang masubukan kung ano ang pakiramdam kung nagmamahal ka. May cellphone nga, pero number lang ni mama at ni ate ang nandito. I was on my way to the school gate....
"Aray!" sinuntok yung likod ko.
"Sus! Parang di ka lalake. Mahina lang yun na suntok, aray agad?"
Ah! Sya nga pala si Selena, isang foreigner at classmate ko since grade 5. At oo na, aaminin ko ma mahina ako. Ayoko lang kasi masangkot sa bugbugan.
"Paano mo naman ipagtatanggol yung sarili mo kung sakaling ma-bully ka ulit?" sabi ni Selena
It's true, sya ang light and shining armor ko. Sa sobrang tapang nya, pati mga minor na mga gang takot na sa kanya. Imbes na ako yung hero na nasa fairytale, ako na tuloy yung damsel-in-distress.
"Tara na! Baka ma late pa tayo."
As the bell rings, she grabbed my hand at tumakbo kami sa hallway. Takbo lang ng takbo hanggang naubusan na ng hangin pero we just made it in time....
*opens the door*
"Mr. Benelova and Miss Cerillo, stand at the hallway until the end of the session!"or not....
"Sus! Kung mabilis kalang tumakbo, aabot pa sana tayo." sinesermonan na naman ako.
"Buti pa kaya sumali ka nalang sa military. Ang ingay mo at paulit-ulit nalang mo akong pinapagalitan!" I said to her
"Aah, ganon ba? - Aray!!" binatukan na naman ako sa ulo.
"Pero pwede narin 'to. Kasi sabay tayong pinapagalitan at binigyan ng punishment kaysa nakatayo lang dito mag-isa" sabi ni Selena habang pahina yung boses niya.
"Okay ka lang Selena?" I asked
Ay! Nakalimutan kong sabihin sa inyo na kapag mabibigat na ang mga topic, na-aabsorb sya sa sitwasyon. At ito lang ang paraan para bumalik sya sa normal.
"Aray!" sinampal ko sya at ito yung sasabihin nya..... "Ganda talaga ng mundo noh?"
Bakit ko alam? Kasi nagsimula itong random syndrome nya noong 1st year at sa kay tagal naming pagsasama, parehas lang ang mga sasabihin nya sa bawat sampal ko. Kaya it became so predictable. So.....yeah, we spend our first subject watching the sky together hanggang.....
*school bell rings!!!!* recess time
"Do it again tomorrow you two and you'll be spending 2 hours buckets! Tsk." sabi ni sir.
"Nakakatakot talaga si Sir Isaac. Ano sa palagay mo Archie?" sabi ni Selena
Pero sa totoo lang, hindi na, kasi ano ba ang makukuha ko kapag matatakot ako?
YOU ARE READING
Loving You But Being Far Away
RomanceA highschool student who lived in a simple and quite life, spends most of his time playing computer games with his friends. Until "someone" slowly changes his way of living. Will he able to meet that "someone"? Or will it be just a dream that fades...