Chap.02 Angelo Gabriel Hottorn

4 0 0
                                    


Angelo's Pov'

      Hayyy,nakakapagod talaga ang pagtri-training ng basketball, bakit ba kasi ako sumali???wala eh ,para akong minamagnet para sumali.Siguro,passion ko na talaga toh.

   
      
        Pauwi na ako ngayon sa bahay, at sumakay na  ako ng jeep, pagkasakay ko sa jeep ay hiniga ko muna sandali ang ulo ko at huminga ng malalim, Hayy nakakapagod talaga.

  Nang medyo nahimasmasan na ako, kinuha ko ang pera  ko sa bag ko at nagbayad.

   Nagpara ako sa may sakayan ng trike malapit saamin, pagkababa ko sumakay na ako sa trike at sinabi kung saan nya ako dadalhin.

Pwede namang lakarin mula sa sakayan hanggang sa bahay namin,pero pagod na talaga ako kaya nagtrike na langg ako.

Ilang minuto lang nakarating na rin ang sinasakyan ko sa bahay namin,kaya bumaba na ako at iniabot ang bayad sa matandang driver.

Pumasok na ako sa bahay, pero si Rafael ang bunso kong kapatid lang at ang aming katulong ang nandito.


       Nasa trabaho pa siguro sila Mama at Papa, si Ate Kate siguro nasa pinago-ojt han nya pa.

 

   "Rafael?, hindi mo man lang ba babatiin si Kuya???" Madramang sabi ko.

 
  Nakatutok kasi sya sa ipod nya kaya siguro hindi nya ito napansin.

Kaya nung narining nya ako ay napatingin sya saakin at nagulat, mabilis nyang binaba ang ipod nya sa couch at lumapit sa akin.

   "Kuyyyaaa!!nanalo ka??"excited na sabi nya.

Napaisip ako sandali sa sinabi nya, napangiti ako sakanya, 

"Rafael, hindi pa lumalaban si kuya, nagpapractice pa lang ako para lalo akong gumaling, pero wait ka lang malapit ng lumaban si kuya at mananalo ako promise" natatawang sabi ko at ginulo ang buhok nya.

"Manalo ka Kuya ha??Promise??

Tumango ako sakanya at ngumiti

" Alam mo kuya paglaki ko gusto kong maging katulad mo,gusto ko ring maging basketball player, idol nga kita eh " sobrang ngiting sabi nya.

" Hahaha ikaw talaga, magpalaki ka muna ha?? Tapos kapag lumaki ka na tuturuan kita ha?? Sige na matutulog na si Kuya ha?? Bye" Sabi ko at pumunta na sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nilapag ko na ang bag ko kung saan at dumiretso sa kama at natulog.

Nagising ako ng marinig ko ang cellphone ko na nagaalarm.Teka, hindi naman ako nagalarm ha?? Ayy Oo nga pala hindi ko napatay kahapon.Tsk ano bayan panira ng tulog.

Sinubukan kong matulog ulit pero ayaw talaga eh, Hayyy ano bayan 3 ako natulog eh tapos 8 ako nagisng,kulang payun. Tsk.

Dahil hindi na ako makatulog, pumunta na lang ako sa kusina at naghanap ng pagkain.Nang may nakita akong pagkaing, kumuha na ako agad ng plato at kumain.

Nandito na naman siguro si Ate?? Kumain na kaya sya??
Pupuntahan ko na sana sya para tanungin kung kumain na, kaso lang bigla na lang syang dumatong sa kusina.

  "Oh! Angelo gising ka na pala??" Sabi nya habang kumukuha ng tubig sa ref.

  "Ah Oo Ate, kakagising ko lang, kamain na kayo ni Rafael??" tanong ko sakanya.

"Oo kanina pa, gigisingin ka sana namin kaso halatang pagod ka kaya hindi ka na lang namin ginising"  sagot nya.

" Pagod talaga ate!!"


" Hay nako puro ka basketball kaya wala kang lovelife eh "sabi ni ate at lumabas na sa kusina.


Nako namn si Ate O palagi na lang lovelife ang tinatarget aa akin😂. Eh hindi ko naman kailangan yun eh.

Pero hindi nga ba??Hindi ko nga ba kailan ng babaeng susoporta saakin?? Yung tipong ichi cheer ako kapag may laban, Tapos pupunasan ang mga pawis ko??Hindi ko nga ba kailangan ng babaeng magpapasaya at magpapangiti sa akin ng totoo??Hindi ko nga ba kailangan ng lovelife???


Hay nako!Si ate kasi anong pinagsasabi,kung ano ano tuloy naiisip ko.


Pagkatapos ko ay nilagay ko na sa lababo ang pinagkainan ko. Pumunta na ulit ako sa kwarto at  nagcellphone na lang ako hanggang sa nakaramdam na ako ng antok kaya unti-unti na akong nakatulog.

------------------------------------------------------

Hello po!!Salamat po sa pagbabasa kung meron man nagbabasa,hahahaah





Tease Become Love (On-going)Where stories live. Discover now