"Wala ka na ba talagang balak tapusin yung kwento na sinulat mo?"
"Wala na.."
Sagot ni Kei na patuloy ang paggagawa ng mga paper cranes.
"Tapusin mo nga muna yung story mo bago ka gumawa ng mga ganyan, para saan ba yan?"
Sabay buntong hininga ng kanyang kaibigan.
"Pero Kei, alam mo naman. Sobrang dami kayang nagbabasa dun sa story na sinulat mo. Sobrang laking sayang nun." Pagpupumilit ng kanyang kaibigan.
*insert iphone notification sound
"Tignan mo to, ito pang isa. Nagtatanong, 'Miss Kei, kailan niyo po iu-upload yung last chapter ng Ang Kwento ni Ligaya? Paano po namin malalaman kung magkakatuluyan si Ligaya pati si Boggs?' at ipinakita niya ito kay Kei na mistulang wala pa ring balak simulan ang storyang hindi niya matapos tapos.
"Kei, anu ba. Kung ako ikaw, matagal ko na tong tinapos."
"Buti ka pa nga naiisip mo yan, samantalang ako wala na lang paramdaman."
sabay ligpit ni Kei ng mga paper cranes at mga gamit niya para umalis na sa coffee shop na kinaroroonan nila.
"Kung sa bagay pano mo nga ba matatapos yung story na yun, eh ikaw nga mismo na writer nun di nabigyan ng closure."
Napahinto si Kei sa marahang sabi ng kanyang kaibigan ngunit sapat na ang lakas ng boses nito upang marinig niya.
Tumingin siya sa kanyang kaibigan at sinabing,
"Wag kang mag-alala, tatapusin ko yun mamayang gabi."
sabay nag iwan ng pilit na ngiti sa kanyang mga labi.
Ngunit paano mo nga ba tatapusin ang isang storya kung ikaw mismo ay hindi pa nabibigyan ng sagot sa mga daan daan at libo-libong mga tanong na bumabagabag sa iyong isipan simula nung iwan ka niya?
Isa? dalawa? tatlong salita nga ba ang kailangan upang mahilom ang mga sugat ng nakaraan?
Isang mahigpit at mainit na yakap upang mawala ang panlalamig na naramdaman simula nung umalis siya?
O isang paliwanag na hindi katanggap tanggap ngunit pipiliting tanggapin para lang mawala na ang mga galos na nagmarka sa puso ng naiwan?
Ano nga ba?
Huminto siya sandali at tumulala sa ceiling ng kanilang bahay. Maya-maya ay kinuha na niya ang kanyang laptop at binuksan ang page kung saan niya sinusulat ang mga kwentong kanyang nililikha.
"Sa daan daang araw na paghahanap ni Boggs sa kanyang minamahal na si Ligaya, sa wakas ay nagkita na rin sila. Paano nga ba nila aayusin ang mga araw na nagkahiwalay sila? Paano nga ba niya lalaanan ng mga kwento ang mga araw na nawala siya sa piling ni Ligaya?"
Sinubukan niyang tapusin ang storya noong gabing iyon at pagkatapos ay natulog na.
Pagkagising niya kinabukasan ay napuno ng notifications at tawag ng kanyang kaibigan ang kanyang cellphone.
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ni Ligaya
RomansaThis story was written in pure Filipino language. It was partly inspired by the movie "The Reunion" particularly, the story of Boggs and Ligaya but with a twist.