I don't wanna lose you
But I don't wanna use you
Just to have somebody by my side"Arrrrgh!!!"
Nagpapapadyak sya sa kama at parang batang nagdadabog na di nakuha ang gusto.
Alyssa and Kiefer all over her facebook news feed. Puro na lang sila, lagi na lang sila.
"umay" sabi nga ng mga kaibigan nila.
Napabuntong hininga na lang sya dahil wala naman syang magagawa. Kahit ayaw nyang i-unfollow si Alyssa, in-unfollow nya. Napaisip tuloy sya kung ganun din ang inis ni Alyssa pag nakikita ang pictures nya with LA.
Bakit ba sya sobrang affected samantalang sya yung unang nagkaroon ng totoong boyfriend. Eh si Kiefer "fake boyfriend" pero grabe yung effect sa kanya.
"Eeeeeeeeeehh!" buti na lang at nasa condo sya dahil kung andun sya sa bahay nila malamang hindi sya makakapagdabog at sigaw ng ganito. Bakit, nagboyfriend lang naman sya dahil sa inis nya kay Ly, sa kanila na nagkokontrol kay Alyssa. Gusto raw nila pasikatin si Ly, ayaw daw nila ng negative publicity. Kung hahayaan daw sila sa relationship nila, may mga bagay na hindi maiiwasan at baka kumalat pa. Hindi raw tanggap ng society ang klase ng relasyon nila. Hindi tanggap ng society o nila na sakim sa pera at kasikatan?
And I don't wanna hate you
Kahit sobrang sakit ng break-up nila ni Ly, hindi nya nagawang magalit dito. Alam nya na pareho lang silang biktima. Biktima ng sistema.
I don't wanna take you
And in all fairness, natutunan nya nang mahalin si LA. Bilang kaibigan. Dahil ito ang madalas nyang kasama nung mga panahon na sobrang lungkot nya. Kahit gusto nyang tumakbo kay Ly, hindi nya magawa. Ayaw nyang isama si Alyssa pababa, dahil sa kanilang dalawa, sya yung mas malakas. Sya yung mukhang malakas. Sana nga.
But I don't wanna be the one to cry
And that don't really matter
To anyone anymoreNakakarma yata sya, boyfriend nya si LA pero mahal nya lang ito bilang kaibigan. Kasi si Alyssa pa rin. Kahit anong gawin nya, si Alyssa lang talaga. Pasaway na puso. Pero nakakapagod na, baka kahit ayaw nya ay kusa nang sumuko ang puso nyang mahalin si Alyssa. Eh sino bang may pakialam kung pagod na sya?
*message alert tone*
Besh, kumain ka na? - Ly
"Alyssa, isang text mo lang!!!!!!!!!!!!" sigaw ulit nya.
~p