"What?!" Sabay naman nilang dalawa na sigaw.
"Just like that naging kayo ulit?" Hazey asked
I nodded at them. Nakakatawa talaga 'yong mga itsura nila.
Mahaba-habang explanation pala to.
Kagabi lang naman naging kami ulit ni Lincoln.
After kasi nang araw na may nangyari sa aming dalawa. Nangyari hindi nangyari na katulad ng iniisip niyo. Hay nako.
Pinilit kasi nila kaming sumayaw na dalawa kasi merong High School party at syempre part ng program 'yong sayaw sayawan portion then napagkaisahan kami ng mga kaibigan namin at pinasayaw. Di naman talaga dapat ako aattend kaso required daw sabi ng mga Friends ko dahil syempre dapat walang iwanan sama-sama daw dapat kami. Yuck lang.
Blah! Nothing Romantic happened when we dance. Di naman ako marunong sumayaw ng pangsweet dance. What to expect? Ayon tumayo lang ako sa harapan niya. As in literal na nakatayo. S'ya todo hawak sa bewang ko. Yaks. Nageeffort sanang sumayaw kaso eto ako binabasag 'yung imagination niya.
Eh kasi naman! Hindi ito 'yong iniexpect kong malafairytale na sayaw. Ugh! Arte na kung maarte. Hay nako talaga!
At simula n'on ay palagi na niya akong chinachat at text. Kakaturn off nga kasi lalaki tapos di marunong manligaw sa personal? Well, what's new? Wala namang nanligaw sa akin na personal talaga. Nakakatawa. Ew.
At naiirita ako sa kanya. Excuse me? I deserve someone better pero hay nako ewan ko nga ba at sinagot ko siya.
Lincoln: Pwedeng tayo parin ulit?
Seen 6:30pmLincoln: Uy! Pei.. please
Seen 7:00pmLincoln: Peina Maurize Delgado will you be my Girlfriend again??
Ilang ulit ba dapat Lincoln? Nakakairita na. Araw-araw niyang pinipilit na maging kami ulit pero 'di naman nagpapakita ng effort. Ano to? Laro? Pwet niya talaga!
Peina: (sent a like sign)
Lincoln: What does that mean? Payag ka na?
Peina: Kung anong nasa isip mo edi ayun na.
Lincoln: So tayo na? (With matching heart emoji pa) nakakasuka.
Peina: Oo nalang.
Lincoln: I love you Pei... promise hindi ko na to sasayangin.
"At ayun na naging kami na. Satisfied na kayo?" Busy akong kakatanong sa mga loka pero nakanganga lang 'tong mga ito.
"Ayun na 'yun?" Hindi makapaniwalang tanong ni Teer habang nagbiblink pa. Ay nako.
Um-Oo naman ako.
Ilang paalala pa ang natanggap ko sa kanila na porke daw kung sasaktan ako ni Lincoln ay sabihin ko lang sa kanila at sila na ang bahala. Etong mga kaibigan ko talaga sobrang paranoid. Kakaloka. Tinawanan ko nalang.
No feelings attached lang naman ako sa kanya. Nasagot ko lang dahil sa irita at saka halata namang hindi seryoso 'yon. Tanga nalang maniniwala d'on.
Para sa akin kasi kung sa relasyong hindi seryoso ang isa dapat 'wag naring mag seryoso 'yong isa para less hassle. Habang maaga pa 'wag na 'wag mafafall sa may mga taong alam mong di kanaman sasaluhin.
In the world like this we only have ourself. Sarili lang natin so dapat maging malakas rin tayo para sa atin.
and just like what I've thought.
I received a message saying "Pei, Let's break up."So? What do you expect? A guy like Lincoln will be serious? No not for the second time around. Not at all.
In just a span of 4 days our little text and chat relationship ended. I didn't bother anymore to stop him. Tsk. Waste of time. Hahahaha.
Nag-reply lang naman ako ng "Okay".
A girl as beautiful as me is not worth it to be with a guy like Lincoln.
This is the beginning of my promise. After Lincoln, high school relationship no more. Too much fake high school love. (Well maybe M.Us' exempted)