2

10 4 0
                                    

Lea's POV

UMAYGAD! Natutulog pa ba ako? Hindi 'e mulat na mulat na ang katawang lupa ko.
Si Chris ba talaga tong kaharap ko?
Syet ang gwapo niya pa'rin. Taglay pa'rin sa mukha niya ang mala anghel na kapogian. Stop na Lea. Lumalandi ka nanaman. Pagkatapos masasaktan
At sinabi niya pa na fiancé daw niya ako?! Hindi ko alam na engage na pala kami. Chos!
Pero seryoso ba't ako napunta dito? Kagabi lang nandoon pa ako sa simbahan at ngayon nandito na ako sa kwarto, kasama si Chris at ang not so important character.

"O, sige Chris alis naako. Mukhang kailangan niyo ng privacy ni Jane 'e." Tapos lumabas na sa kwarto ang not so important character. Anong Jane? Lea ako no!

Baka Jane ang pangalan ng nagmamay ari ng  fes na hiniram ng Lola niyo. Baka si Jane ang fiancé ni Papa Chris. Oo papa ko si Chris, siya kasi ang nag PAPA-tibok ng puso ko noon!!Chos!
Alam ba ni Chris na hindi si Jane ang kaharap niya kung'di si pretty at famous na si Lea Sacare?

Tumingin lang si Chris sa akin. Shet ang amo ng mukha niya. Ang sarap niyang ibaby, ay hindi pala siya baby, papa ko siya. Siya si Papa Chris.

"Nasaan ang bracelet!?" Sumigaw si Chris. Galit na galit ang pananalita niya. Mukhang alam niya na hindi si Jane ang kaharap niya.

"Alam mo na hindi ako si Jane?"Tanong ko sa kanya. Galit na galit ang mukha niya, may nagawa ba 'ko? Hindi ko naman kasalanan na mapunta sa katawan ng fiancé niya at syaka ano naman ang kinalaman ng bracelet ng gurang kahapon.

" Sagutin mo na lang ang tanong ko!" Sumigaw siya. Syet hindi naman ako bingi 'e pretty at famous lang ako pero hindi ako bingi.

"Hindi ko alam at ano naman ang kinalaman ko sa bracelet na yun?" Sagot ko tapos tapos tumingin ako sa kanya ng diretso. Hindi ko naman talaga alam? Nawala lang yun bigla sa kamay ko.

"Malaki! Malaki ang kinalaman ng bracelet na yun!" O ayan sumisigaw na naman si Papa Chris. Tumalikod siya at napaupo sa kama, nagulat ako ng bigla na lang niya akong sinunggaban at hinalay.

jowkness.

Napaupo na lang si Chris, yumuko siya.

"Ng dahil dun nawala sa akin si Jane. Lintik na mangkukulam na yun. Ano bang kinalaman ni Jane sa mga kababalaghang nagyayari ngayon." Maiyak iyak na sabi ni Chris. Naawa tuloy ako sa kanya. Puno ng paghihirap ang boses niya.

"At ako anong kinalaman ko sa buhay niyong dalawa?" Tanong ko sa kanya. Ano bang kinalaman ko? Isa lang akong simpleng pretty at famous na tao pero ngayon nagulo na.

"May kinalaman ka dahil na sayo ang katawan ng Fiancé ko. Kaya please! Alam kung nasayo yung bracelet kaya ibigay mo na yun sa'kin." Pagmamakaawa niya. Pansin ko lang parang umiba yung boses ni Papa Chris, noon kasi nakakatakot yung boses niya ngayon parang nagbago. Kahit kasi sumisigaw na siya sa galit pero wala pa ring effect sa'akin
Parang wala lang. Siguro dahil sa kagwapuhan niya. Landi ko talaga.

"Hindi ko talaga alam. Na sa'kin yun kahapon pero noong sinuot ko yung bracelet ay nawalan agad ako ng malay." Huminto ako sa pagsasalita dahil napagod ako. Taas din ng speech ko 'e.
"Pagkagising ko umiba na'rin ang itsura ko kasabay rin nun ang pagkawala ng bracelet. Gets mo na!" Dagdag ko. Nalungkot nanaman ang mukha ni Papa Chris. Hays.. Nakakaawa siya pero feeling ko deserve niya to. Ang rami kayang kasalanan na nagawa ni Papa Chris sa akin dati kaya nakakarma siya ngayon.

"Fuck! Anong gagawin ko? Pano na yan. Pano na si Jane?" Sabi niya sa kaniyang sarili habang sinasabunutan niya ang kanyang buhok.

"Pano narin ako?" Bulong ko sarili ko. Pano narin tung puso ko na nawasak mo. noon! -chos.

"Alam mo ba kung sinong kumuha?"tanong niya. May saltik din pala to sa ulo si Papa Chris. Nawalan ako ng malay nun, tulog ako noong kinuha ang bracelet. Pano ko malalaman. Bobo forever!! Buti na lang pogi to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lea, Ang Not That Pretty Pero FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon