Chapter 38 : Basketball
Kim’s POV
‘ Anak, kamusta naman yung buhay mo dun sa Maynila? Sa tingin ko, hiyang na hiyang ka dun e. Kay ganda mo na oh! ’
‘ Maayos naman po. Nung una nga po naninibago ako sa mga tao dun. Parang masyado po kasing mga sosyal. Kahit nga po yung mga di mayayaman nag tra-trying hard magpakasosyal. ’
‘ Eh dun naman sa school mo? Kamusta naman? ’
‘ Nung una po, akala ko hindi ko sila makakasundo. Pero nung nagtagal, nalaman ko na masya naman po pala silang kasama. :) Alam mo Nay? May foundation month po kami sa January. Isang buwan po kaming walang pasok! ’
‘ Nako, bakit naman ganun? Sayang yung tuition na binabayaran natin jan. Ang mahal mahal pa man din. ’
‘ Nay naman e. Scholar ako diba? Hindi po kayo nagbabayad. Hahaha. ’
‘ Ay oo nga pala. Sorry haha. O’sya, mag-hahanda na ako ng makakain natin. Maglinis ka muna ha? ’
Nagstart na akong mag-linis ng bahay namin, maliit lang naman to kaya mabilis kong natapos agad ang pag-lilinis. Naalala ko tuloy bigla yung bahay ng mga Chua. Ang laki laki nun pero, mukha namang malungkot. Buti pa dito, kahit maliit lang, atleast Masaya kami ni Nanay pag mag-kasama.
‘ Kiim? Nandyan ka ba? ’
‘ Oh Christian, andyan ka pala. Pasok ka. ’
‘ Wag na. May sasabihin lang ako sayo. Saglit lang naman to. :) ’
‘ O’sge. Ano ba yun? ’
‘ Gusto mo turuan kita mag basketball para sa Competition? ’
-
Pagkatapos naming kumain ni Nanay, naligo na ako at nagbihis ng jersey. Player din ako dati ng volleyball kaya may jersey ako. Ito nalang isusuot ko. Nag-paalam na ako kay Nanay para umalis. Pinayagan naman niya ako agad dahil akala niya makikipag-date ako. Nanay talaga oh, may nakikipag-date ba na naka jersey?
To : Christian :)
Otw na ako. Meet nalang tayo sa court :)))
Naglakad lang ako papunta sa court. Malapit lang naman samin yun kaya hindi na ako gagastos para sumakay pa ng tricycle. Dapat nga mag ba-bike ako e. Kaso nga lang, pag tingin ko. Flat pala yung gulong. Kaya hindi na ako sumakay.
‘ Kim! Ikaw ba yan? ‘
‘ Uy! Tristan! Long time no see :D ‘
‘ O’nga e. San ka ba nanggaling? Bigla ka nalang nawala nung summer. ‘
Kaklase ko dito sa probinsya si Tristan. Close friend ko din to dati. Actually, kilala nga din niya si Daniel e. Nakakalaro din kase namin siya dati minsan. Kwinento ko sa kanya na nakakuha ako ng scholarship sa isang Private School sa Manila kaya lumipat ako. Kwinento ko rin sa kanya na si Daniel yung nag pro-provide sakin ng bahay. Nagulat nga siya kasi di naman daw ganun kayaman si Daniel dati.
Dahil sa kwentuhan namin di ko na pala namalayan na nakarating na kami sa court. Magaling din mag basketball tong si Tristan kaya niyaya ko na siya sumama sa practice namin ni Christian. Naikwento ko rin kase sa kanya yung tungkol sa competition kaya nag volunteer na rin siya na turuan ako.
‘ Kim, kanina pa kita inaantay ah. Bakit ngayon ka lang? ‘
‘ Ay sorry. Nakasalubong ko kase sa daan si Tristian. Christian, si Tristan nga pala. Tristan, si Christian ‘