Mga diwang hindi maipahayag. Yan ang madalas kong suliranin. Alam mo ang itatakbo ng bawat yugto ngunit gulo- gulo.
Paano ko ba sisimulan?
Ang buhay natin sa panahon ito ay masyadong mabilis. Bawat galaw may kaakibat na pagpapahayag ng kanyang gawain. Karamiha'y ipinapakita ang rangya at pribelehiyong merong taglay, mga lakad na tila ba'y walang katapusan, hapag na masaganang lubos sa paningin at panlasa ng madla.
Minsan pumasok sa aking isipan yaon pagkukunwari. Magandang kasuotan, kagamitan sukat ng kasikatan. Nakalimutan mo na ba ang mga sinpleng bagay?
Subsob sa lamesita at parang nauupos na papel sa huli dahil lamang sa mga bagay na walang saysay.
Ako'y napabibilang sa salinlahi na pag-asa ng bayan ayon sa isang bayani. Ngunit alam ko na alam niyo (lalo na sa mga kaedad ko) bilang tayo umabot na sa hustong gulang ay marami tayong mga pangamba or duda sa sarili.
Maari hindi ngunit iba ako at talagang karamihan naman talaga ay di tiyak sa kanilang piniling tahakin na landas. Litong- lito ang mga kagaya kong walang tiwala sa kanyang kakayanan upang ianggat ang kanyang sarili.
Bakit?
Yan ang isang malaking palaisipan sa aking isipan. Di tiyak kung sino ang may problema. Ako o sila?
"Tell me something about yourself."
Palpak marahil kabado kita dahil sa butil ng puwis na namumuo sa iyong mukha. At pagkatapos ay uuwi maghihintay sa kawalan.
Saan na nga ba ako paroroon?
Sa kawalan.
Sa kawalan.
Sa kawalan.
Inuulit.
Inutil.
TAMAD.
Ako na yata ang lahat pinaka magandang halimbawa nito.
Wala naman pumipigil sa iyong gawin ang mga bagay na makakapag pasaya sa iyo.
Kung hindi ikaw lamang.
Walang marahil ang hihigit na kontrabida sa buhay kundi ikaw lamang.
Bakit mo ikinulong ang iyong sariling hawla na hinabi mo sa mahabang panahon?
Dahil sa pangamba ng panghuhusga?
Bakit nga ba maraming bigong humanap ng kanilang ikabubuhay. Gayon, naatim mo na iyong pinapangarap. Yun ang bakas na magdidikta sa iyo kung saan tutungo.
Nagsisisi ako dahil......
Alam ko sa aking sarili na marami pa akong di nailalabas. Hindi ko manlang naipamalas ang aking talento sa'kin mga kabata.
Dahil alam ko sa sarili ko pinigilan kong umusbong bilang tao. Naging duwag sa maraming bagay. Ipahayag ang nadarama ngunit duwag.
Sinayang na pagkakataon pinaglagpas.
Sayang ka, Sayang.
-
BINABASA MO ANG
Regrets (Ramdom Thoughts 1)
Non-FictionMula sa pananaw ng isang millenial at kung paano harapin ang mga suliranin kinahaharap ng generasyong ito.