ONE SHOT
Written by iamsilvertongue.
---------------------------------------------------------------------------------
"Babe! Muah muah muah!" Sabi nung lalaki sa kabilang gilid ng kalsada. Para siyang tanga na paflying flying kiss pa habang may hawak na boquet of red and white roses.
"Hele! Ehhhhh! Beyb! Peflyeng flyeng kess ke pe dyen eh. Ene ke be! Pere keng tenge. Nekekeheye keye. Hihihi!" (Translation: "Hala! Babe! Paflying flying kiss ka pa dyan. Ano ka ba! Para kang tanga. Nakakahiya kaya.) Sabi at sabay pacute naman nung babaeng katabi ko na nagaabang ng taxi na masasakyan.
Yeng tetee? Pwe! Nahawa na ko.
YUNG TOTOO?! May sakit ba siya. Sa totoo lang, mas mukha siyang tanga.
"Hindi yun flying kiss babe!" Sigaw naman nung lalaki.
Seriosly?
Babe? Sabagay mukha silang sanggol... na pinalaglag.
"Eh ano yun?!" Nagtatakang tanong nung babae. Wala naman pala siyang sakit. Nagiinarte lang.
Yes, talagang naguusap sila habang nasa magkabilang gilid ng kalsada. Wow! Just wow!
"HALIKopter yun Babe." At muli siyang nagflying kiss este naghalikopter.
Napanganga ako.
Peste, mga pinaglihi sa mais!
Buti at huminto ang taxi ng sumenyas ako.
Sumakay ako sa may likurang upuan.
Today is April 14.
Hindi February 14. Hindi Valentine's Day! APRILLL! As in A-P-R-I-L! At ewan ko ba kung bakit parang di ako nainform na extended ang celebration ng paglalandian. Alas sais ng umaga, nagkalat na ang mga makakati, nasobrahan ata sa asukal kaya nilanggam at nangangati!
Yes, it's April 14.
My freaking birthday.
At umagang umaga ng birthday ko, badtrip na badtrip na ako.
Sino ba naman ang matutuwa kung pagmulat ng mata mo, makakabasa ka ng text na ganito:
From: King
Camille, I'm sorry but I no longer want you to be my girlfriend.
Freak siya!
Freak ka King Vic Dela Rosa!
At ngayong birthday ko pa!
Kaya pala ang hinayupak puro alibis kapag tinatanung ko on what's keeping him busy dahil isang buwan na kaming di nagkikita. Kaya pala pati mga sweet txt messages tuwing umaga at bago matulog ay wala na rin.
(Now you know where the bitterness came from.)
Napatingin ako sa bintana at kung di ba naman nangaasar ang tadhana ay may nakita akong lalaki at babae and they're happily walking while holding hands. Umisod ako ng upuan at sa kabilang bintana naman ako tumingin.
"Good Mor-"
"Manong driver, wag mo na akong batiin. Walang good sa morning ko. Baka po sa inyo may good, kaya good morning na lang po sa inyo. Sa may DSC Accounting Firm po tayo."
Napatawa na lang yung driver. Nagsungit ako manong, anong nakakatawa?
Napabuntunghininga na lang ako, napatulala at parang unti- unting bumalik ang malalanding alala naming dalawa.
BINABASA MO ANG
King and Queen of Hearts (COMPLETED)
Short StoryBirthday na birthday ko nakipag-break ka. Saklap, sa text mo pa dinaan.